Crushes

85 6 4
                                    

Girls Talk #2

CRUSHES?

Lahat naman ng mga teenagers meron niyan. Mapababae o lalaki pa, nagkaroon na niyan. Saka, wala rin namang pinipiling edad yan e. Kahit pa 5 yrs. old ka palang pwede ka ng magkacrush.

What is Crush for girls?

Iyan iyong lalaking hinahangaan mo. Pwedeng dahil sa pogi sya, talented o kaya naman maganda ang ugali. Pwede ring full package haha.

Hindi naman masama magkaroon nyan. Maganda nga yan e. Actually. Lalo na pag nasa school yung crush mo! Ginaganahan ka pumasok kasi makikita mo sya ulit. Sinisipag ka mag-aral kasi super inspired ka ng crush mo!

Pwede ding marami kang maging crush. Hala sige! Walang pumipigil sa iyo! Pwede ngang lahat ng lalaki sa mundo maging crush mo! Kasi, paghanga lang naman iyon e. Walang masama.

Kahit ako e. Madami akong crush. Pero mostly, yung mga Crushes ko na iyon, mas lumalalim pa minsan yung nararamdaman ko sa kanila. Lalo na kapag naging malapit pa sa akin.

Ayun lang naman ang disadvantages ng pagkakaroon ng mga Crushes e. Yung sa sobrang paghanga mo sa kanya eh nakalimutan munang kumapit, at dahil hindi mo nga naalala na kelangan mo nga palang kumapit, nahulog ka!

Ayun! Nahulog na. Patay na! Joke. Mahirap kapag minahal muna yung lalaking dapat ay hinahangaan mo lang. Yung lalaking dapat inspirasyon at pampagana mo lang sa pagpasok sa school mo.

Dibale kung crush ka rin nya e! Aba it means happy ending kayo! Pero, pano kung hindi? Ang hirap nun. Sobra.

Naranasan muna rin ba?

Na mahalin ang lalaking crush mo?

Anong pakiramdam?

Masaya parin ba? Nakakagana parin ba sa pagpasok mo sa school? Nakakainspire parin ba?

Sa akin kasi..

HINDI NA.

End of conversation

GIRLS TALKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon