My Prince 1

27 4 0
                                    

UNEDITED AND RAW READ AT YOUR OWN RISK

A/N: 2nd time ko ito I popost sana hindi na ulit mabura

*CLICK*
*CLICK*

*CLICK*
*CLICK*

Ang tunog lamang ng isang camera ang umuugog sa buong studio.

OH HUMARAP KA NG MABAGAL AT NGUMITI!

==================

XIOMARA'S P.O.V

Kinuha ko ang isang magazine sa isang rack

"Isa akong art! Bakit ba napakaganda nito!"

Pinakita ko kay Cheena ang magazine na may cover ng muka ko at ginaya ang pose

"Ano sa tingin mo?" Sabi ko with full of confidence (everytime na maiimagine nyo ako laging may kumikinang sa background!)

"Ma.. maganda" sabi ni Cheena na may pag aalinlangan

"I'm beyond expectation no! Sabi nila dahil daw sa makeup artist pero hindi ko alam na ganito ako ka ganda!"

"May mga tigidig sa buong mukha mo" sabi ni Cheena habang tinititigan ang magazine

"Sobra ka naman. May isang pimple lang na maliit ako wag ka mag exaggerate jan!" Tigidig daw eww

Humikab muna sya at sinabing "Paano mo masasabing maliit ang pimple na 0.4 mm malapit sa ilong mo"

Arrghhh masabunutan nga! Akmang hihilahin ko na ang buhok ng bestfriend ko ay may dalawang lalaki ang nagsalita malapit saamin.

"Dude Si Cynthia yata yun isang fashion model" sabi ng lalaki

Tumingin ako sa nag uusap pero hawak ko padin sa buhok si Cheena wala yatang pakialam sa mundo kapag may hawak na libro

"Pinalabas sya sa Movie na Ang pamilya Montenegro" sabi ng unang lalaki

" At nasa telenovela din sya isa sa Fortalejo family" sabi ng pangalawang lalaki

"Hey may nakaipit sa buhok mo bessie" sabi ko pabebe mode muna may fans hihi

"Galing ah bilis mag bago" sagot ni Cheena

"Ang tagal ko ng hindi nakakabasa ng nobela"

"Talaga? May mga bagong romance novels?" Tanong nya habang natatakpan ng isang binabasang libro ang muka nya

"Damien" sabi ko

"Ano?!" Tanong ni Cheena may mali ba sa sinabi ko?

"Gusto ko talaga ng mga ganung libro" sabi ko pa

"Uggh" yun nalang ang narinig ko sa kanya kasi lumapit na yung dalawang lalaki sa amin

"Umm pwede mag pa autograph?" Tanong ng unang lalaki habang nalahad ang magazine na ang cover ay ako kasama ng marker

"oo naman ano ba isusulat?" Sabi ko with matching killer smile

Halatang namumula si kuya at sinabing "kahit a...no a..ng gu..gusto mong isulat"

"Yung pangalan mong Cynthia ang gandang pangalan" sabi ng pangalawang lalaki

Ng matapos kong iabot ang pinirmahan ay para silang batang binigyan ng candy or may first crush kasi titig sa sulat ko then tingin ulit sa akin habang si guy no. 1 titig na titig lang sakin.

"Cynthia totoo mong pangalan diba? Bagay na bagay sayo" sabi ni guy no. 2

"Syempre alias ko lang yun iba yung tunay kong pangalan" at kumindat ako

"Samara aalis na ako mukang busy ka pa" sabi ni Cheena habang humihikab

Nanigas ako sa tinatayuan gosh nakakahiya omg naubos self confidence ko bigla!

"Sa...samara?" gulat na napangangang reaksyon nila

(Samara- pangalan ng isang sikat na whitelady o multo)

@ LABAS NG BOOKSTORE

CHEENA's P.O.V

"Sinadya mo talagang sabihin yung tunay kong pangalan sa harapan nila no?!" Iritable nyang sabi habang nakapamaywang

"Ano ba gusto mong itawag ko sayo bukod sa Xiomara?" Kalmado kong sabi

"Arrgh ayokong tawagin moko ng ganyan?!"

Sakit sa tenga ng boses matakpan nga

"Malulungkot papa mo nyan kapag narinig ka ang ganda pa naman ng pangalan mo." Sabi ko

"Oo naman maganda talaga tunay kong pangalan pero hindi maganda pag sinasabi mo" sabi nya habang hawak ang mga pisngi nya

Haayy nakaka aning itong best friend ko parang bata

"Problema sya kapag Samara ang tunog!" pag iinarte nya na umaagaw ng atensyong ng mga taong nag lalakad

"Lalo na kapag ikaw nag sasabi!" Dagdag pa nya

"Pero sabi ko naman Xiomara ah."

"Aaarrgghh narinig ko sabi mo Samara!"

"Hehe mag iingat nako next time Xiomara"

"Tama na! Torture yang pangalan na yan!"

@ SCHOOL

CHEENA'S P.O.V

"Hey Cheena magkaklase tayo this year!" Sigaw ni Xiomara habang papalapit sa akin "Galing! Hindi ko alam gagawin ko pag magkahiwalay tayo."

Haayyy

"Bakit pa hayy hayy ka jan hindi kaba masaya?"

"Masaya ako!"
Sumandal ako sa pader

"Ang linaw na hindi ka masaya oh buntong hininga palang tapos yang mukha mo!" Nilapit nya ang muka nya sa akin

"Sabi ko masaya ako" asar na inangat ko ang muka ko at magkapantay na nag katinginan

"Ang saya ko! Sa sobrang saya ko maiiyak nanga ako eh kasi parehas tayo ng klase ok na ba yon?!" Nataas na rin ako ng boses na narinig ng iba pa naming bagong kaklase

May narinig pa akong nagsabi "whoa parang prinsesa kasama ng katulong nya" grrrr at may dumagdag pa sa kabila ng "Bagay silang mag kaibigan"

"Yan ang kaibigan ko" sabi ni Xiomara at nag pacute.

Hmm isang nakakapagod na taon muli

"Hi Jonathan" gulat akong sabi ni Xiomara

Tinitigan ko si Jon papalapit samin habang napapahawak ako sa dibdib ko

Ng makalapit na ay bumati na rin sya "Hi, kailangan ko pang dumaan sa naparaming maiingay na babae para makita ko kayo"

"Hayaan mo na minsan ka lang naman makakita ng babaeng tulad ko" sabi ni Xiomara sabay kindat

Natawa lang si Jon

"TV dramas ang sikat ngayon sabihin mo lang sa akin kung gusto mo maging actress" sabi ni Jon

"Napaka daming lalaki dito na mag lalaban laban para lang makasama ako sa pag aacting dito sa school" pag mamayabang ni Xiomara

Lumayo ako ng kaunti sa kanila at tumanaw sa bintana pinakikinggan ko parin yung pag uusap nila

"Wow naman Cynthia is loved more and more each day buti hindi ka na pepressure" natatawang sagot ni Jon

"Cheena"

"AY TOKNENENG!" Paano ba naman kani kanina lang mejo malayo sila ni Xiomara na nag uusap ngayon an lapit nya na

Pag harap ko mag katapat na kami ng mukha OMG.

"Mas humaba yata ang buhok mo" sabi nya nakatapat parin ang mukha nya sa akin

Bago ako sumagot ay umatras ako palayo sa kanya

"O...Oo" nauutal kong sabi "Xio....Xiomara mauna nako"

My Prince From Tang DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon