MY PRINCE 6

2 2 0
                                    

AUTHOR'S P.O.V

Napanganga ang mag kaibigan ng sumulpot ang grupo ng mga lalaki
"Mga tunay na kriminal" ang sigaw nila sa kanilang isip

Lahat ng lalaki ay nakasuot ng pang sinaunang damit at naka tali ng bun ang mga buhok na natatakpan ng tela ang nakabilog na buhok

"Tingnan mo sira sira na ang damit nila" sabi ng isang lalaki

"Nakakadiri din ang kanilang mga paa" sabi pa ng isa

Lumapit ang isang lalaki kay Xiomara sa tanggkad ni Xiomara ay mejo nakatingala ito
"Babae kaba talaga?" Tanong ng lalaki

"Ako?" Turo ni Xiomara sa sarili

"Paano kaya naging ganito ka pangit ang isang babae? Buto't balat tapos matangkad. Hindi kaaya aya"

"Sinong sinasabihan mo ng panget?! Anong mali sa pagiging matanggkad?!"

"Calm down Xiomara" hinarangan ni Cheena ng braso ang kaibigang umuusok na sa galit

"Naiintindihan mo sila?"

"Kaya nga nasasagot ko sila!"

"Chinese ang linguahe. Pero paano sila nakikipag communicate satin?"

Saka napag tanto ni Xiomara kaya nakaramdam sila ng takot at nag yakapan ang dalawa

"Anong nangyari sa kanila?" Takang tanong ng lalaki

"Nawala na sa katinuan sa sobrang takot nila sa kanilang mga sarili"

Naglabas ng espada ang unang lalaki at itinapat ang talim sa mag kaibigan
"Eto ang sasabihin ko, kami ang mga kriminal sa bundok na ito. Ibigay nyo sa amin ang lahat ng meron kayo"

"Meron kami?" Sabay na utas ng dalawa

Medyo napahiya ang lalaki ng mapansing wala silang mapapala sa dalawa

"Ahhh..ehh tsk ngayon lang ako nakasalamuha ng taong dadaan dito na walang dalang bagahe" namumulang banggit nya

"AH" masiglang utas ni Xiomara "Tama naiintindihan ko na! May hidden camera" napapalakpak na sya "Nag mula sila sa Pilipinas!"

Napabuga ng hangin si Cheena "Iniisip mo talaga na superstar ka."

"Ang ganda ng costume nyo! Good acting guys ahahahaha" luminga linga sa Xiomara "Nasan ang camera?" Lumapit sya sa lalaking may hawak na espada at tinapik ito "My god mukang totoo yung espada nyo."

"Totoong espada yan." Naaasar na sabi ng lalaki

"Wag ka ng umarte kapag nakababa na ang kurtina. Alam ko naman na." Natatawa nyang sabi "Mr. Lee pwede ka ng lumabas!"

SWISHHH
Tunog ng espada na iwinasiwas sa puno

Namutla si Xiomara dahil agad na naputol ang puno sa isang wasiwas lang

"Ngiii"

"Kung putulin ko kaya ang kamay mo edi totoong espada to?"

"Ah hindi na. Hindi mo kailangan patunayan naniniwala nako hehehehehe"

CHEENA'S P.O.V

"Napaka bagal!" Isang boses ang umalingawngaw sa buong lugar

"Sino yan!" Sigaw ng isa sa mga lalaki pero nakilala nila agad "Boss!"

Isang lalaki ang nakaupo sa isang mataas na parte ng bundok may maitim at mahabang buhok na umaabot sa kanyang dibdib  naiiba ang suot nya sa mga lalaki

"Kanina ko pa pinanonood ang mga ginagawa nyo, masyadong nakakaantok"

Tumayo sya.

Nagulat kami ni Xiomara ng tumalon sya pababa papunta samin

Sobrang taas nun!

"Hindi nyo ba alam na isang batalyon ang papunta dito?! Bilisan nyo ng mag nakaw at umalis!" Sermon ng 'boss' nila at nakayuko na din ang mga lalaki

"Wa...wala po kaming nakuha" sagot ng isa sa mga lalaki.

Imposible baka kung anu ano lang nakikita ko sumasama na yata ang paningin ko.

Tinanggal ko ang salamin ko saka kinusot ko ang mata ko

AUTHOR'S P.O.V

Huminto sa pag uusap ang mga lalaki at napatingin kay Cheena

"Napaka ganda!"

"Oo nga kamuka sya ng asawa ng emperor" namumulang sabi ng isa

Habang ang boss nila ay naka titig lang

"Hmp ngayon nakikita nyo na. Ako nga yon. Ako ang model ng beauty products sa Philippines" banggit ni Xiomara habang nakapamewang

Lumapit ang tinatawag nilang boss.

Natakot si Xiomara at unti unting umaatras.

"A..anong ginagawa mo? Wag kang lalapit sakin!"

"Alis" hinawi ng lalaki si Xiomara at hinablot sa braso si Cheena na para silang mga manikin

Hinaplos ng lalaki ang pisngi ni Cheena
"Parehas... hindi sya talaga. Inay!"
Binuhat bigla ng lalaki si Cheena na walang kahirap hirap "Isasama natin sya!"

"Ah.. eh amo kapag pinakawalan natin yung babae baka magtawag ng mga sundalo." Sabay turo kay Xiomara

My Prince From Tang DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon