MY PRINCE 5

7 2 0
                                    

Author's note: mahaba haba ito :)

CHEENA'S P.O.V

"Itapon mo na yan, anong kaluluwa pinag sasabi nun. Matandang gamit lang yan" sabi ko kay Xiomara na titig na titig sa tela

Hay ang sarap talaga mag shower tsk tsk ginabi na kami na naka tanga lang sa bahay.

"AHH Xiomara bakit mo dinala dito yan?!"

Walang hiyang tela yan pag labas na pag labas ko sa shower. Nakasabit pa sa harap ng higaan namin

"2000 pesos din yan noh, sayang naman kung itatapon ko, pero kung oobserbahan mo ng mabuti madalang talaga ang mga ganito parang antique" seryoso nyang sabi habang hinihimas ang tela

"Interesado ka lang jan kasi pag mamay ari yan ng isang royal concubine" asar kong sabi

"Hindi sya magiging sikat kung hindi dahil sa kanyang kagandahan" nag posing na naman sya na parang may nakatutok na camera "Parang ako"

Nakuuuu naman isang araw dadalhin ko sya sa Mental hospital para maipagamot sya

Naupo na ako sa higaan ko at nag pahid ng night cream sa tapat ng maliit na salamin tumabi si Xiomara sakin ng nakadapa.

"Nandito nga ako sa china pero hindi ko man lang mabibisita yung Tiananmen square o yung Forbidden city tapos kasama pa kita pati ang telang yan pag ka nga naman minamalas oh" pag tatampo ko

"Wala kaming scene sa Beijing" sagot nya

Nag tanggal na ako ng salamin at nahiga

"Diba Xian to? Mukang matandang syudad"

======

Hindi alam ng dalawang babaeng natutulog na sa mga oras na iyon ay may mangyayaring makakapag pabago sa kanila.

Isang boses ang umaalingaw ngaw sa buong kwarto

Boses na narinig ni Xiomara na ikinatayo ng balahibo nya nung nakaraan

"Gusto ko....."

"Gusto kong bumalik"

"Kay Sam Rang"

May lumabas na itim na bolang usok sa telang pula na isinabit ni Xiomara

"KAILANGAN KITA!"

"SAM RANG!"

Naalimpungatan ang walang kamalay malay na si Xiomara

"Cheena sinasadya mo ba na gisingin ako" humikab muna sya bago dumilat "Ano ba yun?"

AAAAAHHHHH!!!

SA KABILANG KWARTO

Napabalikwas ang direktor
"Anong ingay yon?"

"Parang si Cynthia!" Agad na bumangon si Hero

======

"Cheena Milosh Marx gising! tingnan mo yun! Cheena!" Panay yugyog ni Xiomara sa kaibigan

"Ano ba yun?" Pupungas pungas na sagot ni Cheena

Nakayakap na si Xiomara ng mahigpit sa kaibigan at nag papanic habang si Cheena ay kalmado pa rin

"Sandali susuotin ko muna yung salamin ko"

Isang babae na nakalutang sa kanilang harapan
Naka itim na bistida na napaka haba lampas ang mga manggas pero nakalitaw ang nabubulok na mga kamay, ang buhok na alon alon ay parang may mga sariling buhay na nakalutang halos hindi na makilala ang muka dahil sa nabubulok na ito

napasigaw na rin si Cheena ng makita ng maayos "AHHH ANO BA YAN!"

"Aba malay ko! Ikaw ang matalino dito!"

My Prince From Tang DynastyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon