To: Marcelo Santos III

246 4 2
                                    

Dear Kuya Marcelo,

(Teka ang drama ng intro, mapalitan nga XD)

Hi Kuya Marcelo!

Musta ka na? Echos lang! Feeling close nanaman ako. Eto na nga, uumpisahan ko na talaga!

Kuya Marcelo, Idol... Hindi ko makakalimutan ang araw na nakilala kita at yung panahong nadiskubre ko ang Love Story on Video mo. Yung mga panahong yon na naghahanap ako ng pansamantalang magpapalimot sa mga problema ko. Pakiramdam ko, kapag nasa harap ako ng computer at nagbabasa ng story na ginawa mo, nagkakaroon ako ng sariling mundo at pansamantalang nakakalimot sa totoong buhay. Kaya simula noon, nakahiligan ko nang magbasa ng mga story mo sa YouTube. Doon din nag-umpisa ang paghanga ko sa paggawa mo ng love story, kahit wala akong idea noon Kung sino nga ba si Marcelo Santos III. Basta ang alam ko ang galing-galing mo. Ang galing-galing mo talaga Idol! XD 

Sa sobrang galing mo nga, akala ko talaga wala na sa kalendaryo ang edad mo. Professional na professional kasi yung dating ng pagkakagawa mo sa stories mo. Bawat episode kaabang-abang. Basta yun! Hanga talaga ako sayo! Yun na yun! Period! Hahaha. Hindi man ako ang no. 1 fan mo... may no. 2 pa naman eh, Kung hindi pa rin may no. 3 pa, Kung hindi pa rin kahit no. 1,000,000 fan mo pa ako, basta fan mo pa rin ako! Wala ka ng magagawa. XD At dahil nalalapit na ang iyong birthday, "October 12" at siyempre ang birthday ko na rin,"October 11"(Magkasunod tayo eh XD), gusto lang naman talaga kitang batiin ng ADVANCE HAPPY BIRTHDAY! God bless at good luck sa career mo! Sana kung naging successful ang "Para sa Hopeless Romantic", sana ganun din ang mga susunod mo pang mapa-publish na libro. (Iko-congratulate na rin kita ng maaga sa soon to published mo na "Para sa Broken Hearted". XD) Sana rin dumating ang time na mabasa ko ang pangalan ko sa dedication ng libro mo, hahaha (demanding) Joke lang! Isa lang naman ang hiling ko sa birthday ko eh... "Sana batiin ako ni Kuya Marcelo", pero siyempre alam ko naman na malabong mangyari yon. Ayos na sakin na mabasa mo to at malaman mo na may isang "Romalyn Ancheta" na humahanga sayo. 

ADVANCE HAPPY BIRTHDAY PO ulit! Salamat sa patuloy na pagbibigay ng inspirasyon sa akin at sa iba pang mga kabataan. :)

RomalynAncheta 

-Lheenmaroo-

Para sa Idol kong Si MarceloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon