"Ate, time na."
Aww! Nag-cut bigla yung moment ng pagbabasa ko. Kuya naman eh. >.<
Pagkatapos ayun. Naadik na ako. Naglalaan na ako ng pera para lang makapag-Youtube. Meron pa yung time na nagpaalam ako sa nanay ko after ko siyang sinamahan mag-grocery. Weekend yun.
Sabi ko...
"Mama, punta lang ako sa computer shop, tatapusin ko lang yung binabasa ko sa Youtube, ang ganda kasi."
"Ano naman yun?" tanong niya sa akin.
"Ah basta." ganda ng sagot ko eh. XD
Nagtatakang pinayagan ako ng nanay ko. Napilitan lang? Para lang kasi kaming tropa ng nanay ko.
Sad to say, di ko natapos yung kwento. Naubos lang pera ko kapapaextend kay kuyang nagbabantay sa computer shop.
At eto pa! Nalaman ko na Book 2 na pala yung binabasa ko. Tsk, shunga talaga. Hahaha. Malay ko ba! Bast click lang ng click at basa lang ng basa. Di ko napansin na "Book 2" na nakalagay, hahaha.
Sorry na. Boplaks yung author nito eh. >.<
Oh ayan. Naichika ko na din kay Jeacelle yung mga nabasa kong story ni Idol! Siya naman yung salarin kung bakit naadik ako magbasa sa Youtube eh. Sa sobrang adik ko nga eh, dina-download ko lahat ng background song na magustuhan ko (Tipong nakadrugs na. Adik daw eh. *Joke*).
Unang-una kong nadownload "What About Love" by Lemar. Di ko yun makakalimutan kasi yun yung song na pumukaw sa aking damdamin (wow, so corny).
A/N: Speaking of What About Love... Nasa phone ko pa din siya hanggang ngayon. Wala lang sinabi ko lang. Hahaha
Sa bilis ng panahon, nakagraduate na ako ng high school pero di ko pa din napapatapos yung kwento.
Sayang yung sleepless nights ng pag-iisip ko kung ano na yung susunod na mangyayari sa love story ni Aris at Sally.
Hopefully... Sana... mabasa ko na siya ng buong-buo.
At ayun nga... First year College, pumasok ako sa PUP-Taguig (ayan nabubunyag na ang istorya ng buhay ko).
Avid fan pa rin ako ni Kuya Marcelo kahit di na ako nagbabasa ng stories niya. Busy naman kasi eh. Malamang college student na ako (intindihin niyo na lang).
Nakikitira lang ako sa Tita ko. Kasi unang-una sa lahat probinsyana po ako (Tubong Pangasinan). Dumadami na ang nasasabi ko tungkol sa akin. Tama na nga! Change Topic!
So yun, nasa Metro Manila na ako. Specifically, Taguig. (Wag niyo akong hahanapin kasi mahilig ako gumala... De Joke lang! busy ako bawal istorbo pls.) Feelingera talaga eh no?
Change Topic Ulit... Hahaha
Tapos nun siyempre busy nga ako pero ayos lang kasi sa tinitirhan ko may internet naman. Kaya lang madalas mga pinsan ko gumagamit ng computer at laptop.
Nung nagkaroon na ako ng pagkakataon na makahiram ng computer at laptop, nagkaroon din ako ng pagkakataon na matapos yung kwento ni Aris at Sally.
At nabasa ko na din yung Book 1. Epic fail lang kasi nauna yung Book 2 sa Book 1.
Very significant para sa akin yung story na yun. Lalo na yung part na panaginip lang ang lahat. Bago ko pa kasi mabasa yun ay matagal ko ng gustong gumawa ng story na pareho dun sa part na yun. Pero ang gusto ko girl naman yung mananaginip, hahahaha.
BINABASA MO ANG
Para sa Idol kong Si Marcelo
Non-FictionA fan-made story for Sir Marcelo Santos III and a story inspired by his one of a kind and unique way of writing stories. -based on true story-