ACT I - Friendly"Yayy! Congrats Adie!! I knew it. I really really knew it!" Naghehestiryang sigaw ni Elena habang tumatalon-talon pa.
"Ang OA mo naman magreact. Anyway Congrats Adie!" Sabi naman ni Lilac sabay ngiti sa akin.
Hindi ko naman napigilan na mapangiti na lamang din. Nandito kami ngayon sa harap ng Bulletin Board ng University kung saan nilalagay ang mga announcement in every activities at isa na nga doon ang inauditionan kong Org.
Napatingin ulit ako sa nakapaskil na announcement. Bagamat kanina ko pa ito tinititigan ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako nga ang napili nilang maging part ng Org at magkaroon ng lead role sa darating na play kung saan ay magiging isang malaking event para sa school.
"Congartulations! Adeline Yesta B. Castillon. Welcome to the Theatre Org Family!"
Iyan ang mismong nakalagay sa bulletin board. Sa baba naman nito ay ang ilan pang napili for other roles. Masaya ako dahil iyong pinaghandaan ko ay nagbunga ng maganda. Hindi ko man inaasahan ito ay labis ang pagkakagalak ko ng sumalubong ang ganitong magandang balita.
"Elena. Pumirmi ka nga. Kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao oh!" Saway ni Lilac sa kakambal.
Tinignan ko ang paligid at napatunayan na kanina pa nga kami pinagtitinginan ng mga tao. Hindi ko alam pero para akong ginapangan ng hiya dahil sa atensyon na nakukuha mula sa kanila.
"Diba si Adeline Castillon iyan ng Class A?"
"Siya iyong napili na gumanap sa lead actress sa isang malaking event ng school."
"Ang swerte niya naman."
"Para sa akin okay lang. Mas bet ko iyong si Dorothy na gumanap sa lead actress eh."
Iilan pang mga komento ang aking narinig sa mga taong nakapaligid ng makilala nila ako. Though may mga natutuwa at pumupuri sa akin ay may ilan din naman na hindi sang-ayon sa naging resulta. Pero kahit ano pa man ang sabihin nila ay hindi ko na lamang papansinin. Ayaw ko namang masira ang masayang araw na ito dahil lamang sa mga bagay na iyon.
"Tara na. Balik na tayo sa classroom." Pag-aya ko sa mga kaibigan ko.
Tutal ay nakumpirma na naman na namin ang resulta ay wala nang dahilan para manatili pa kami dito. At isa pa ay baka maaga dumating ang ang aming professor sa Humanities ay tiyak na lagot kami pag nalate. Wala pa namang patawad iyon sa mga estudyante niya.
Sumang-ayon din naman agad sina Elena at Lilac na pumanik na kami papaakyat sa aming room. Lumiko na ako papuntang room ng biglang may humarang sa aking dadaanan.
Sa kaniyang matangkad na pangangatawan ay naharangan niya ng walang kahirap-hirap ang aking dadaanan. Sa lapad pa lamang ng kaniyang mga braso ay alam kung na kung sino ito.
Pagka-angat ko ng tingin ay sinalubong ako ng isang nakakalokong ngiti mula sa kaniya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kaniyang mga sinabi kahapon kaya agad ko siyang sinimangutan.
"Ano bang kailangan ng isang ito." Nasabi ko sa aking isip.
"So they already announce the results huh?" Sabi niya habang bakas na bakas sa kaniyang mukha ang panunuya at pang-aasar.
Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong hampasin ng libro ang kaniyang mukha ngayon. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan na makita ang paraan niya ng pagngiti.
"Ano bang kailangan mo?" Matapang kong sinabi habang direktang nakatingin sa kaniyang mga mata.
Ngunit dahil wala siyang hiya ay hindi man lamang siya natinag sa talim ng tingin na ipinukol ko.
BINABASA MO ANG
Reality
Teen FictionThey say love is something you cant run off. You cant get away with it. Once you grab it, there's no way out. But that's not the reality. It is what we perceive it to be. In the real world, you are the one who make your choice. The decision is in yo...