GnL 2 - Ch. 43 ~ First Night (Part 1)

2.7K 50 14
                                    

Chapter 43

Flame’s POV

Kumakalam na sikmura ko. Di pa ba kami kakain?

Maganda ang dagat sa harap ko. Parang ang sarap liguan. Pero di ko naman mafeel yung ganda nun eh. Pakiramdam ko may kulang sakin.  Panay lang ako sa pagtatapon ng maliliit na bato sa dagat habang nakaupo sa isang malaking bato.

Nang bigla akong—

“WOAHHHH!!!!!”

“Tanging ina! Novy naman eh! Makakarate kita nyan!” reklamo ko sa kanya. Panay hagikhik lang ito samantalang halos mahulog-hulog na ko sa tubig sa panggugulat nito.

“Hahaha! Ang seryoso mo kasi.. ano meron dito? Emote-emote moment?”

“Di noh! Teka, nakakahiya naman ata sayo, nagshower ka na eh. Kumusta naman kaya amoy ko?” nahihiyang sabi ko saka hawak sa damit at inamoy ko sarili ko.

“Okay pa naman amoy mo. Katanggap-tanggap pa. Hahaha!”

“Ikaw ah. Inaamoy mo pala ko. Hehehe.” Asar ko pa sa kanya saka tiningnan siya.

“Tsk. Kung makatingin ka, kala mo naman pinagnanasaan kita. Konting hiya rin tayo. Haha. Teka, kanina ka pa ba dito? May gumagambala  ba sa isip ng boyfriend KO? Hahaha!”

“Oh? Bat ka tumatawa? Di ba ko katanggap tanggap na maging boyfriend?”

“Hahaha. Di naman sa ganun. Natatawa lang talaga ko na sa itsura mong yan, boyfriend pala kita? Hahahaha!”

“Ang sama mo! Alam mo yun! Bully!”

“Hindi kaya. Isipin mo rin kasi, sa ganda kong to? napasagot ng isang gaya mong bukod sa malaki na nga ang mata, mahaba pa ang leeg at higit sa lahat, patpating parang walis? Di talaga fair ang mundo eh, noh? Ganda ko kasi eh! Hahahaha!”

“Wahahaha!” napapayuko tuloy ako sa pagtawa. Ang dami ko pala kapintasan. Akala ko kasi gwapo na ko. “Baliw ka! Di ko din maimagine na girlfriend ko isang gaya mo. May saltik sa utak. Hahaha!” kala naman niya wala ko maipintas sa kanya noh? Hahaha. Palakpakan tong babaeng to!

“Kung makatawa ka, with matching yuko at palakpak pa! Pinaglihi ka ba sa tawa? Babaw pala ng kaligayahan mo! Hahaha.”

“hahahaha!” react ko ulet. Mukha siyang ewan eh. Parang tawa ko lang, nacucurious na siya. hahahaha.

“FLAMEEEEEEE!!!!”

“Sabi ko nga wag kana sumagot--- Uy! Ano yun? May tumatawag sayo.” Novy

Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses. Si H pala. Nasa may dalampasigan. Sumenyas siya na kakain na daw.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon