Vice Ganda's POV.
Nakatulala lang ako ngayon..nag-iisip.
Keri ko kaya humanap ng isang babae na magmamahal sakin? Dahil kung hindi, magiging kahihiyan samin yun at mabibigo ko ang aking lolo. Kaya dapat galingan ko! Dapat patunayan ko na kaya ko maging isang ganap na boylet! AY, i mean, lalaki pala.
Sino kaya? Sino kaya ang popormahan kong babae?..
YUCK.
iniisip ko palang kinikilabutan na ako! Enebeyen kasi eh! -.-
Sino kaya? Sino naman kaya mauuto ko sa pagiging lalaki ko? Madali lang naman siguro. Lolokohin ko lang naman eh para ma-inlove sakin. Tas kakagatin ko lang sa leeg. Tas ayun, reyna na sya. No choice. Keri ko to!
Nagulat ako nang biglang may nagtext sakin...
Hi Vice! Bakit di ka pumasok? May sakit ka ba?
From: Karylle
Nagulat ako. At may isang baliw na idea ang pumasok sa idea ko.
Eh kung si Karylle na lang kaya ang pormahan ko? Siya nalang kaya ang gawin kong reyna? May love team naman kami ah, kaya ko na sigurong paibigin to. Mukha namang kilig na kilig siya pag bumabanat ako eh. Napagdesisyunan kong mag-reply.
Hi,K. Medyo masama kasi pakiramdam ko. Uh, busy ka ba?
Message sent.
Nagreply siya:
Hindi naman, bakit mo natanong? :)
Nagreply ako:
Gusto mong pumunta dito sa bahay ko? Bisitahin mo naman ako oh. Kelangan ko kasi ng kasama. Gusto mo dvd marathon tayo. foodtrip. Gusto mo sleep-over pa eh. Please? :)
Hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko 'to. Eto na siguro yung simula ng pagporma ko sa kanya.
ETO NA.
RARAMPA NA SI VICE POGI.
BINABASA MO ANG
He's My Vampire (Vicerylle)
FanfictionPatay na patay si Karylle sa matagal na niyang crush na si Vice!!! Pero matapos malaman ni K na bampira pala itong si Vice, ipagpatuloy pa rin kaya nya ang pagmamahal nya dito?