\
"Ate Jov, sandali naman, yung paa ko. sprained nga diba? Why the hell are you even dragging me?"hindi makapaniwalang tanong ni Alyssa sa kaibigan/teammate/bestfriend na si Jovelyn Gonzaga na inaalalayan siya habang halos kaladkarin din papasok sa ospital na katapat lang ng gym kung saan sila nagpapractice sa araw na to para sa nalalapit na pagsisimula ng Liga.
"Mild lang naman yan Alyssa, kung makapagreklamo ka, bilisan mo naman, I cant wait to see Dr. Daquis, sakanya ka magpatingin ha?"
Sisimangot tapos ngingiting sagot ni Jovelyn sakanya tapos ay palinga linga nanaman sa mga nadadaanang kwarto.
"Napapaisip tuloy ako kung concern ka ba talaga sakin at nagmagandang loob ka na samahan ako dito o kung may ulterior motive ka."
I smirked after that kasi I saw her stiffened at agad agad akong binatukan.
"Awww. Ate Jovz, napaka guilty mo alam mo yun?"
napahawak ako sa ulo ko hinimas ito habang sinusubukan ding gumanti pero hawak niya yung kamay ko at umiilag.
We heard laughters from the nurses dahil siguro sa ang kulit namin at nakakatawa nga yung eksena kasi paika ika ako at pilit niyang lumalayo at pigilan ako habang naglalakad kami at the same time.
Biglang tumigil si Ate Jov at nakatingin lang sa harap namin so tumigil din ako at sinundan kung saan siya nakatingin.
At hayun, napatulala nanaman siya sa crush niyang si Dr. Rachelle Anne Daquis. Internal medicine doctor ayun kay Ate Jovz, nakilala niya ito ng minsang dito siya sa ospital na to nagpacheck up nung nagka injury siya sa shoulders 8 months ago.
Na love at first sight daw siya dito at hanggang ngayon ay hanggang tingin pa lang siya, well, may plano naman daw siya.
"Hi Jovelyn, what brings you here?"
Bigla kong narinig at nabalik sa realidad ang pag daydreaming ko, napatulala na din pala kay Doctor Daquis. Well, she really is pretty, no doubt. Beauty and brains. Wow. Ang galing din pumili ni Ate Jovs ah.
"Dr. Rachelle, well, hello. Hehe. Patingin sana namin tong paa nitong kaibigan ko na namali ng bagsak kanina habang nagpapractice kami and na sprained ata."
Ngiting ngiting sagot niya pero titig na titig din.
"Oh? Eh bakit hindi naka wheelchair? Wala nag assist sa inyo pagpasok?"
Nakakunot na tanong nito samin.
"Well Doc, wala pong time kasi kinaladkad ako nito agad at naiwan ata utak sa kotse at hindi naisip ang wheelchair."
Sagot ko agad makabawi man lang sa pagpapahirap niya sakin.
"Umph." I cough a little. Bakit? pasimple lang naman akong siniko ng kasama ko.
"Well, tara sa office ko ng ma check up ko yung paa mo?.... " tumingin siya sakin ng nagtatanong.
"Alyssa po Doc. Alyssa Valdez."
I held up my hand habang nagpapakilala.
"Hello Alyssa, I am Doctor Rachelle......."
"Rachelle Anne Daquis. Specializes in Internal Medicine."
Ako na nagtapos ng sasabihin niya. She smiled and looked at Jov. Ngiting guilty nanaman siya kasi alam kong na gets agad ng Doctor na si Ate Jovelyn ang nagsabi sakin about her.
---
Inaantay ko sa labas ng office si Ate Jovelyn kasi nagpaiwan pa ito pagkatapos tignan ni Doc yung paa ko, lagyan ng bandage at prescribed some medicines. Konting pahinga lang din daw para mawala yung maga.