chapter10: tagu-taguan

1.2K 35 1
                                    

chapter10 (tagu-taguan)

KWANGMIN…

Nagising naman ako ng naririnig kong tinatawag nina Kuya Jeongmin si Layda-a kaya napalabas na din ako. Nadatnan ko sila sa terrace.

“Saan ba napunta si Layda-a?” usisa ko naman sa kanila.

“Hayun si Layda-a oh.” sabay turo naman ni Minwoo kay Layda-a sa upuan sa garden namin.

Pinuntahan nga namin si Layda dun at nagulat kami kasi kumakanta ito at natatawa. Tila baga may kalaro siya pero wala namang tao dun.

“I love you, you love me. Let’s come together and kill them all with a big, big knife and they’re lying on the floor. What a fun we kill them all!!!1 kekekekekekeke.” Giliw na giliw si Layda sa ginagawa nito.

Nilapitan ko naman siya at hinawakan sa balikat nito. “Layda-a sino kalaro mo??” tanong ko sa kanya.

Nilingon niya naman ako na nakangiti. “Si Umma dinalaw ako, kekekeke.” Sagot naman nito sa amin.

Nagkatinginan naman kaming apat at napatingin kay Layda. Lumapit na sa kanya si Youngmin at kinarga siya.

“Sleep na tayo Layda-a huh.” Yaya naman ni Youngmin sa kanya.

“Chige.” Sagot nito at lumingon naman siya sa upuan. “Umma bukas naman tayo laro huh.”

Dali-dali naman kaming pumasok at nagsara ng pintuan.

Two days after…

Wala paring malay si Miaki at naguiguilty na ako sobra sa nangyari.

“Hoy Kwangmin ano naman tinutulala mo diyan?” may tumapik sa balikat ko at paglingon ko naman si Minwoo pala.

“Naguiguilty na ako eh.” Sagot ko naman sa kanya.

“Hindi mo kasalanan iyon eh. Aksidente lang ang lahat Kwangmin, ano kaba.” Kung alam niya lang sana.

“Hahahaha, good thing naman at nawawala na ang black aura dito sa school. Sana matuluyan na siya, she deserves it!” wika naman ni Kia sa mga kaibigan nito ng napadaan sila.

“Kayo ang dapat mawala kasi kayo ang nakakabaho sa school natin. Iyong mga bunganga niyong mabaho, puro basura ang lumalabas.” Parinig ko naman sa kanila.

Napalingon naman sila sa amin….

“Tinitingin niyo?” paninita naman ni Minwoo sa kanila.

“Walaa…” taranta naman silang umalis.

MINWOO…

Napakaweirdo talaga ng lalaking ito, simula ng araw na naaksidente si Miaki naging tulala at madalas banggitin ni Kwangmin ang pagkaguilty niya.

“Hooy Youngmin saan ka naman pupunta?” usisa ko naman kay Kwangmin ng napadaan ito.

Tumigil naman siya at pinuntahan kami. “Tinatamad  akong pumasok eh bakit ba?” mainit naman ang ulo nito.

“Sama na kami.” wika naman ni Kwangmin.

“Kay Ms. Lem pala tayo ngayon, tara bisitahin na lang natin si Miaki.” Yaya ko naman sa kanila.

LARO TAYO!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon