chapter1: napuno na ang dram!

2.8K 70 12
                                    

MIAKI….             

“Pokpok!!! Dapat hindi kana pumasok eh… naglandi kanalang!!” yan lagi naririnig ko sa grupo nina Kia.

Tinulak naman nila ako kaya nagkasugat ako sa tuhod. Nilingon ko sila at tiningnan ng masama. “Tigilan niyo na ako!!! Hindi ko naman kayo inaano ahh!!!”

Yumuko si Kia at hinila-hila  ang mga buhok ko. “Sasagot ka pa huh! Hindi ka namin titigilan kasi salot ka!!! Anak ka ng demonyo!!!”

“Tama na!!! Hindi ako anak ng criminal!!!Inosente si papa!” hiyaw ko sa kanya habang pinipilit kong tanggalin ang mga kamay niya sa buhok ko.

“Anak ka ng criminal!!! Mamatay tao ang papa mo!!!!” hindi niya parin ako tinigilan.

“Kia, tigilan mo na si Miaki.” Wika ni Minwoo, nakatayo siya sa likuran ni Kia.

Pagtingin ni Kia sa likuran niya bigla niya ako binitiwan at tumabi. Dali-dali silang umalis ng makita nilang padating na din ang ibang mga kasama ni Minwoo.

Sila ang mga kauna-unahang kaibigan ko. Bagong transferee lang sila sa school namin  at masaya ako kasi hindi nila ako nilayuan. Hindi ko alam ba’t dito sila nagtransfer sa school namin. Madalang lang naman ang mga nagtatransfer dito. Simula ng araw na dumating sila, lagi na nila akong pinagtatanggol sa mga umaaway sa akin.

“Tumayo kana diyan.” Utos ni Kuya Donghyun. Siya ang pinakamatanda sa kanilang anim, guro namin siya sa art. Istrikto ang mukha niya at masungit pero sobrang magaling siyang magpiano at kumanta.

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. “Goodmorning po titser Donghyun.” Bati ko sa kanya.

“Ba’t hindi ka naman lumaban sa kanila?” singhal naman ni Youngmin sa akin, kaklase ko siya. Ang pinakamatanda sa kambal. Madalang lang siya ngumiti at madalas naman napapaaway.

“Oo nga Miaki, kailan kapa lalaban?” dugtong naman ni Kuya Hyunseong, nasa junior year naman sila ni Kuya Jeongmin. Siya ang pinakamaingay at makulit sa grupo nila pero siya din ang pinakamatalino.

“Sanay na ako diyan. Hehehehe, hindi na nga makukumpleto ang araw ko kung hindi ako masasaktan.” Wika ko naman sa kanila, yung totoo nasasaktan ako sobra.

“Lumaban kana kahit mapatay mo sila.” Sumingit naman si Kwangmin, kaklase ko din. Siya ang bunso sa kambal. Napakawerdo niya at lahat ng gusto niyang sasabihin, sasabihin niya talaga kahit nakakasakit.

Binatukan naman siya ni Kuya Jeongmin. “Turuan mo pa ng kasamaan si Miaki. Miaki, wag kang magpatalo sa kanila.” Si kuya Jeongmin naman ang masiyahin sa grupo at ang pinakamabait. Mahilig siyang mag-advice sa akin.

“Nagugutom na ako, kain na tayo.” Wika naman ni Minwoo. Kaklase ko din siya, parang si Kuya Donghyun lang siya. Suplado at masungit pero makulit naman na bunso.

Tumungo na nga kami sa cafeteria. Dumagdag ang mga naging kaaway ko kasi close ko sila, minsan nga gusto ko silang iwasan pero hindi ko magawa. Sila lang ang mga kaibigan ko dito…

MINWOO….

Mahigit isang buwan na kami dito sa school na ito and we felt bored. Hayyy, paano ba kami nalipat sa school na ito? Nakita ko kanina si Miaki, sinasaktan naman ng mga estudyante. Minsan gustong saktan si Miaki eh para matuto namang lumaban.

LARO TAYO!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon