Chapter 8

162 3 0
                                    

Fatherly Moment
-

Michael:

Ang awkward ng sitwasyon ngayon. Ang bigat ng atmosphere. Ang sama tuloy ng tingin sa akin ng boyfriend ni Daniella. Tss. Boyfriend. Ako naman ang ama ng mga anak ni Dani eh.

"So... Uhm... Maupo na muna tayo? Sige na." Pagbasag ng katahimikan ni Daniella.

Kanina pa pala kami nagpapatayan sa tingin nitong lalakeng to. 'Kala naman niya gwapo siya. Oo nga gwapo siya pero mas gwapo naman ako.

Ang bait ng mukha niya ah. Ang amo. Tapos oo na gwapo siya. Pero 'di ako bakla. 'Di ko sya type.

Sina Stacey at Alexis naman ay nakatingin lang sa amin. Nakatingala sila sa amin actually.

"Papa Shaun this is Daddy Michael po." Pinakilala ako ni Stacey. Todo ngiti naman siya. Manang mana sa akin. Palangiti.

"The REAL daddy." Diniinan ko pa talaga ang salitang REAL. Ngumiti naman ako para mainis siya. Kala niya ah.

"Michael!" Pinandilatan ako ni Dani. Natitiklop naman agad ako kapag ginagawa niya yun. Sorry Daniella.

"Mommy I am hungry. My tummy says gruuu." Pagrereklamo ni Alexis kaya naman natawa si Daniella. That smile. I miss her smile.

"Okay! Tara na sa kitchen! May dala akong chicken galing Jollibee!" Biglang sabi ni Shaun. At itinaas niya ang dala niyang supot na may Jollibee ang tatak.

"Yehey! Jollibee! Yum yum! Mommy let's eat!" Sabi naman ni Stacey na tumatalon talon. Bibong bibo talaga.

Tumakbo si Alexis papunta sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Daddy dito na po kayo mag dinner." Tapos tumingin siya sa kanan niya at hinawakan nya rin ang kamay ng lalakeng yun.

"Papa Shaun let's eat together po." Tapos hinila na kami papuntang kusina. Ayoko namang tumanggi no. Baka naman magtampo ang anak ko sa akin.

Dali daling umupo si Alexis at Stacey sa kani kanilang upuan. Nakita ko si Daniella na nagpeprepare ng mga plato at utensils kaya naman napatakbo ako don at tutulungan siya.

"Ako na diyan Dani." Lumingon siya sa akin tapos binigyan niya ako ng masamang tingin.

"Ano kaba Michael. Ako na nga. Para namang sanay ka sa ganito eh ang yaman yaman niyo naman." Inirapan niya ako atsaka umalis na. Kumuha nalang ako ng kutsara dun.

Nakita ko siya na tinutulungan ni Shaun. Nagngingitian pa sila. Di ko namalayan na yung kutsarang hawak ko ay nakayupi na. Tinapon ko nalang yun sa basurahan atsaka tumungo na sa dining table.

Mukhang mahihirapan ako nito. Pero lahat kakayanin ko para lang makabawi sa kanila. At babawiin ko ang mag-iina ko sayo, Shaun. Itaga mo yan sa diamond.

"Daddy sit here po!" Alok sa akin ni Stacey na umupo sa tabi niya. Napangiti nalang ako atsaka umupo sa tabi niya.

Bale ang position namin ay si Daniella ay nasa kaliwang dulo tapos katabi niya si Alexis tapos sa harap naman niya ay si Shaun tapos katabi niya si Stacey tapos ako.

Buti pa si Stacey hindi niya pinaparamdam na out of place ako. Ramdam niya kung ano ako sa pamamahay na ito.

Ang awkward lang kasi nagkukuwentuhan sila tapos ako tahimik lang dito sa tabi ni Stacey.

Ang sarap sapakin ng Shaun na ito. May pangiti ngiti pang nalalaman. Sumusubo nalang ako dito.

Okay na to kesa naman ipinagtabuyan ako paalis dito sa bahay nila. At least nakasabay ko sila sa pag kain kahit parang invisible ako dito.

Chase of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon