Drawing
-Daniella:
Why is this happening?!
"Mommy are you okay?" Tanong sa akin ni Stacey.
Pumunta ako sa dining table atsaka umupo rin sa tabi niya. Pinagmamasdan ko siya.
"Yes naman baby. Bakit?" Kanina pa ako ganito. Sa byahe hanggang sa pag uwi. Kasi naman.
"Mom yung chicken po black na." Yung singkit kong mata ay namilog dahil sa sinabi ni Alexis kaya pumunta agad ako sa stove para kunin yung chicken.
"Aish! What the hell?" Dali dali kong kinuha ang sunog na chicken atsaka kumuha ulit ng bago at nagprito ulit.
"Watdahel! Mommy what's watdahel?" Tanong sa akin ni Stacey. Tsk. Yung bunganga ko kasi.
"Wala baby. Sige na. Mag color kalang dyan." Nagpatuloy naman siya sa ginagawa niya. Buti nalang.
Nag prito nalang ako ng chicken para ulam namin ngayong hapunan. Paborito kasi nila. Di natuloy yung pag kain namin sa labas kasi nga may emergency daw sa kompanya nila Shaun.
Ewan ko ba. He is busy these past few days. Nakakatampo na nga eh. Simula kasi nung tinutulungan na niya ang dad niya sa business, wala na masyado kaming time para sa isa't isa.
Nang matapos na akong mag prito, hinanap ko ang plato na paglalagyan ng pritong manok at inilagay ko yon sa dining table. Kumuha na rin ako ng tatlong plato para sa amin.
"Twins kain na tayo!" Agad namang tumakbo sila Alexis patungo dito at umupo na rin sa kanya kanyang puwesto.
"Yeeeey. Perfect!" Agad na sabi ni Stacey nang makita niya ang pritong manok kaya kumuha siya ng dalawang wings at kumain na rin.
"Mommy ketchup po." Ah oo nga pala. Di nga pala kumakain si Alexis ng chicken kapag walang ketchup. Kaya nilagyan ko siya sa plato niya at kumain na rin.
Ako naman, pumunta sa front door and I locked it para naman safe kami dito. Mommy feels. I know right.
Bumalik na ako sa dining table at naupo sa tabi ni Alexis. Kumuha ako ng kanin at chicken.
"Mom say 'aaah'," sabi sa akin ni Alexis kaya naman sumunod na ako. Sinubo niya sa akin ang pagkaing nasa kutsara niya.
"Thanks baby. Kain kana dyan. I can eat naman." Kinurot ko ang magkabilang pisngi kaya napatawa nalang siya. Cute cute ng anak ko. Kagigil!
"Mommy gusto po kitang subuan at alagaan tulad ng pag aalaga mo po sa amin po." Nakangiti si Alexis na tumingin sa akin habang nilalamon ang chicken sa bunganga niya.
"Ang sweet mo talaga baby. Pero ngayong di kapa masyadong big, si mommy muna mag take care sa inyo ni Stacey. Okay?" Tumango naman siya atsaka nag thumbs up.
"Mommy I want to take good care of you too!" Singit ni Stacey habang kumakain. May kanin pa nga sa gilid ng bunganga niya.
"Hahabulin ka talaga ng manok mamaya Stace!" Kinuha ko ang kanin sa gilid ng bunganga niya atsaka kinain. Tse. Di ako maarte uy!
"Mommy your eyes gets straight everytime you laugh. Like this oh"
BINABASA MO ANG
Chase of Love
Fiksi Penggemar(COMPLETED) - Gagawa si Michael ng paraan para mabawi ang tiwalang minsan nang nasira. He will chase the woman he loves pero hanggang saan? --- Language: Tagalog / English Start: April 28, 2016 End: November 13, 2016