Epilogue

18.8K 361 58
                                    

Kathryn's POV 

Halata ang pagkagulat sa mukha nya nang sabihin kong magkapatid kaming dalawa. Kahit naman ako eh, hindi ko aakalaing masasabi ko sakanya ng ganun kadali yun. Ang lihim na matagal ko ng itinatago sakanya, at ang lihim na hindi ko masabi-sabi ay nabanggit ko lang ng ganun kadali? 

"A-anong sabi mo?" umiwas ako ng tingin, at kinagat ang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Ramdam kong bigla nyang hinawakan ang kamay ko, pero tinanggal ko yun kaagad. 

"Kath, ulitin mo nga yung sinabi mo. Kapatid? Kita?" tumango ako sakanya nang hindi sya tinitignan. Lumunok ako habang kagat pa din ang labi ko, dahil feeling ko anytime tutulo na ang luha ko. 

"Pano kita naging kapatid? Pano nangyari yun?" 

Umiling ako sakanya, at hindi ko na nga napigilan ang pag-iyak ko. 

"Kath, ano bang joke to.. Okay lang naman kung ayaw mo, hindi kita pipilitin pero yung sasabihin mo pang magkapatid tayo para lang patigilin ako. Sobra naman ata yun, ni hindi nga magkakilala magulang natin." 

"Daniel, im not joking." 

"THEN TELL ME!" nagulat na lang ako nang bigla syang sumigaw. "Sabihin mo saken, kung paano tayo naging magkapatid?!" hindi ako makasagot sakanya, dahil alam ko hindi dapat sakin mang'galing to. 

"SABIHIN MO!" 

"Si..Papa..at ang mama mo..." 

"FCK!" 

Hindi pa man ako tapos magsalita, nagulat na lang ako nang bigla nyang suntukin at puno na katabi nya. Para bang kahit hindi ko na tapusin yung sasabihin ko ay alam na nya ang ibig sabihin ko. Napatitig ako sa kamay nya, na ngayon ay puno ng dugo.

"D..Daniel yung kamay mo." imbis na indahin nya ang saket, tinignan nya lang ako at laking gulat ko nang may makita akong luha na galing sa mata nya. 

"Hah!, eto ba?" tinaas nya yung kamay nya para ipakita sakin. "Kath, walang wala sakin ngayon to. Kahit pa matanggalan ako ng kamay ngayon, wala akong pake. Hindi ako masasaktan, pero yung malalaman kong kapatid kita? Sobra pa sa mararamdaman kong sakit kapag natanggalan ako ng kamay." 

"Daniel, pareho lang naman tayong nasasaktan."

"PERO MAS NASASAKTAN AKO! ALAM MO NA PALA NOON PA PERO BAKIT HINDI MO SINABI SAKEN? BAKIT KA NAGLIHIM? SABIHIN MO NGA KATH, KAYA KA BA NAGPANGGAP NA HANNAH NOON DAHIL ALAM MO NG MAGKAPATID TAYO, AT HINDI DAHIL SA GUSTO MONG MAMUHAY NG NORMAL?!" 

Wala akong naisagot sakanya, kundi isang tango. Narinig ko na lang ang pagsigaw nya at ang tunog ng motor nya. 

Daniel's POV

I'm Her FanBoy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon