Chapter 3 - I saw the REAL HIM

19 0 0
                                    

Chapter 3 -- I saw the REAL him

OMG. Is this a dream?

Siya si ..

......

......

"Jake?"

"Why are you here?"

"Ha? Bawal na ba mag-mall ang mahirap ngayon?"

"Please don't say this to others.. I have to go"

Iniwan niya kong nakatulala at hindi makapaniwala.

Bakit ganun?

Hindi ko maintindihan. 

Ang gulo! Aaaaahhh!

"Miss, ikaw yung kanina di ba? Akala ko ba hindi mo siya nakita? E mukhang magkakilala kayo ni joong ki e?"

"Joong Ki? Ha? "

Ano ba 'to? Sino naman si Joong Ki? Kakaibang name yun ah!!!

"Si Joong Ki, yung umakap sayo kanina. Kunwari ka pa e. May sinabi ba siya kung san siya pupunta. Kailangan ko lang talaga makausap e . Importante lang. Kung pwede ----"

"Teka lang miss, una, hindi kami magkakilala nung Joong Ki na sinasabi mo, at pangalawa, wala siyang sinabi saking importante."

"Pero , bakit ka ni ---"

"Ehemm, narinig mo naman na sinabi ng friend ko di ba? Kaya kung ano man yang problema niyo, labas na siya dun, dinadamay mo pa siya e!" teka, galit na rin si Sydney.

Bigla kasi uminit ulo ko. 

Naguguluhan na nga ako tapos ang dami pang satsat ng little miss na 'to e!!!

"Ok . Sorry sa inyo. Susundan ko na siya" mukhang nakakaawa yung face niya habang papalayo siya sa amin. Mag-ano ba sila ni Jake at bakit Joong Ki? That's a korean name,right? I don't understand this.

"Ui, ok lang ba? Who's that guy?" ayan na po, magtatanong na sila.

"Please,wag muna nating pag-usapan. Uwi nalang tayo, ok?" naalala ko, uuwi nga pala kami sa province namin after 1 year. Ang tagal ko ng hindi nakakauwi dun. Ngayon lang kasi ako naging free sa school at sa work ko.

"Ah. Sige? Pero habang nasa daan, kwento mo sa amin ha? Please mommy? " sabay puppy eyes pa ng loko.

"No. Saka magkaiba ang mga way natin, di ba? Saka nalang yang kwento na yan. Pagod na ko" sabay mabilis ko ng lakad, iwas muna ko.

"Mommy, ingat ka nalang sa pag-uwi ha. Tawagan ka namin pagdating mo dun" ang sweet talaga ni Sydney. Feeling ko naman nanay talaga ko.

At ayun na nga, pagdating ko sa bahay. 

Nakagayak na sila.

Tuloy na kami sa bus terminal. 

At ayun.. 

Bawat madaanan namin, dinadama ko ang simoy ng hangin. 

Fresh air to noh! Wala nito sa lungsod!

Pagkarating namin sa hometown ko, may sumundo sa amin. 

Nagtaka naman ako, sino siya? At bakit? 

Andami ko naman atang di alam sa nangyayari sa mundo ko -_-

"Ma" 

"Maya na anak"

Ok. Gets agad ni mama.

Pagkarating namin dun, nakipag-beso beso si mama kay --- ?? Sino nga ba siya" She looks SO familiar.

"Uy, namiss ko kayo lalo na si Cheska bulilit. Pero dalaga na ngayon! Ang tagal na nating di nagkita a! " sabi ni titang maganda. Sino ba kasi siya? ?_?

"Ui , cheska , di ka ba mag-hehello man lang sa tita Anna mo?" - mama

"Tita Anna? Waaahhh! I miss you" Sa wakas, naaalala ko din siya. Antagal ko na kasi siyang di nakikita. Pero teka, dapat natatandaan ko pa rin siya. Nagka-amnesia ba ko? Or I have poor memory lang talaga -_-

"Naku, di ako naaalala ni Cheska bulilit. Buti naman maayos na kalagayan mo ngayon. I'm sure mage-eenjoy ka dito at marami tayong pagkkwentuhan. Maglibot-libot ka muna jan at nanjan lang si J.A."

Oh, wait. Sino naman si JA? Bat ba wala akong maalala? Haist -_-

"Uhm,sige po ma , tita anna, maglalakad-lakad lang po ako"

"Ok. Ingat ka. Baka maligaw ka. Malaki tong lupa natin."

NATIN? HAYYY. GINUGULO NILA ISIPAN KO.

Magrerelax nalang muna ako ngayon. 

Habang naglalakad ako sa place na to na ubod nga ng lawak at laki, napapamangha ako ng mga nakikita ko. 

Napakaganda ng view dito. 

Di ko alam kung resort ba to o ano ba. 

Malapit kasi sa bundok. 

May maliit at makipot din na umaagos na tubig galing sa bundok. 

Andaming puno at malamig ang simoy ng hangin. 

Ibang-iba sa pinanggalingan ko.

Haaaayyy. Ganito nalang sana lagi. 

Dumiretso pa ako hanggang sa makarating ako sa bukid.

Ang ganda ng view. Tahimik.. kasi hapon na rin.

Feeling ko tuloy nag-shooshooting ako para sa isang movie. Yes. Bida ako! ^____________^

Nagpunta ako sa ilalim ng isang mababang puno ng mangga. Andami ng bunga nito ah!

Habang nakatingala ako at nag-feefeeling artista, may narinig akong kumakanta.

Nagulat ako nang may nakasandal sa kabilang side ng punong 'to.

Woah. Kakausapin ko ba siya? Di ko siya makitang mabuti e >.<

Ang hina ng pagkanta niya. Malumanay. Naiinlove ako sa boses niya.

Gusto ko siyang tingan. Sino ba siya?

Sisilip na ko.....

Pero ...........

Pagsilip ko.................

O_O

<AN>

Haaayyy... 

Sige na ippromote ko na 'to.

Gusto ko may magbasa na e >.<

Kamsahamnida! :)

--iya :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who's fake and who's real?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon