Vicerylle Story - Stargazing

4.5K 83 14
                                    

“Ayun! Yun ba Vice?”, tanong ni Karylle na nakaturo sa langit.

“After 5 years K nahanap mo din, yung Canis Major malapit lang jan, maghihintay na naman ako ng another 5 years neto.”

“I assure you, mga 2 years lang. Alam ko to.” 

“Ang basic niyan ha.”

“Ayun!”

Pareho kaming may fascination sa mga stars. Once in a while ay pumupunta kami dito sa favorite spot namin para magstargazing. Nakasanayan na naming dalawa na mahiga lang sa malamig na damo, tumingin sa langit at pagmasdan ang mga bituin. Paramihan pa nga kami ng alam na pangalan ng constellations kung minsan, at palagi ko siyang natatalo. Hindi niya alam na bumili talaga ako ng libro about constellations at kung hindi ko nakakaligtaan, nagmememorize ako ng isang name ng star everyday.

Siya ang unang nagsuggest noon na pumunta kami dito. After Showtime noon at niyaya ko siya na magbar para na rin makapagrelax, pero sinabi niyang may alam siyang lugar na mas nakakarelax. At dinala niya ako dito. Nabore nga ako noong una dahil ang tahimik, at ayaw din niyang magpatugtog ako ng music sa phone ko. Humiga lang kami at hinayaang dumampi ang malamig na hangin sa aming mga mukha at pinagmasdan ang mga bituin na walang tigil sa pagkislap sa langit. So, dun nagsimula ang pagkahilig kong magstargazing. Everytime na pumupunta kami dito ay ineempress ko siya with my constellation knowledge dahil nakakapagpangalan ako ng dalawa o tatlong constellations at bilib na bilib naman siya sa kin.

Busy ang sched ko ngayon. Masyado akong concentrated sa trabaho at minsan naapektuhan na rin ang relasyon ko sa aking pamilya at mga kaibigan. Kaya nagpapasalamat ako na nandito siya palagi para sa akin. Kahit noon na may mga isyung lumabas na sumisira sa akin, she always stood by me. She’s always there to support me and she never left me. She’s the best friend I could have. Alam kong kahit kalian ay di niya naisip na iwanan ako at palagi kong pinagdadasal na sana palagi na lang siyang nasa tabi ko.

“Ano pang makikita natin?”, tanong niya na nakatingin pa rin sa langit.

“Pwede nating makita yung Mercury mula dito, kailangan lang nating hanapin.”

“First one to find it wins!”

“Di mo makikita yun K, tsaka siguradong panalo ako, pumunta kaya ako dito kahapon.”

“Ay di yan fair! Kailangan ko ng 20 seconds head start. Don’t you dare look at the sky pag di pa natapos ang 20 seconds ko.”

“Hahaha I wouldn’t.”

Tumayo siya at naglakad lakad na nakatingala sa langit as if makakatulong ang ginagawa niya para makita ng mas mabuti ang mga bituin. Nakalugay ang buhok niya at marahang nililipad yun ng hangin. Palagi siyang maganda, kahit anong suotin niya, kahit anong ayos ng buhok niya, may make up man siya o wala. Palagi siyang maganda sa aking paningin.

Pinagmamasdan ko lang siya ng lumingon siya sa akin at ngumiti. Every now and then ay lumilingon siya sa direksyon ko para icheck kong tumitingin na din ako sa langit. Di niya alam na sa kanya lang ako nakatingin. Di ko maiwasang tumitig sa kabuuan niya. Iba ang nararamdaman ko sa kanya while looking at her in this precise moment. I can’t take my eyes off her. She’s stunning.

Vicerylle Story - StargazingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon