Chapter 11: Owner's Background Part 1

239 19 2
                                    

S. Coups' P.O.V

Nandito na kami sa conference room at hinintay na si CEO-nim.

Habang naghihintay, naglaro muna kami. Naglaro ng taguan.

"Guys tara laro tayo ng taguan!" Paanyaya ni Seungkwan at Hoshi.

"Sige maiba taya ok? Walang madaya!" Sabi naman ni Joshua sa amin.

Kaya naman nag bato-bato pik na kami at si Dino ang naging taya.

"Ok tago na!" Sabi ni Seungkwan at nagtago na kami.

"1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... 8... 9... 10! Ok heto na ako!" Rinig kong sabi ni Dino. Malaki naman itong conference room kaya naman makakapagtago kaming lahat.

Naglalakad ako papuntang CR ng conference room ng may nabangga ako... "Seungkwan?!" Pabulong na sigaw ko. "Sorry hyung! Hanap ka na lang ng ibang lugar."

At naglakad ako pabalik ng table. Uupo na sana ako sa ilalim ng la mesa ng biglang may nagsalita. "Hyung lipat ka na lang. Dalawa na kami ni Mingyu dito ohh. Tsaka isa pa nag p-PDA kami dito ng patago. Sorry ^_^"

Nako nga naman! Ang Meanie!!! Halos araw-araw na ngang magkasama pati ba naman dito sa ilalim ng mesa may PDA pa rin?! Anak ng tipaklong naman!

Kaya naman tumayo na ako at pumunta sa may kitchenette ng conference room. Pero pagpasok ko...

"DK, anong gusto mo? May ramen dito. Jeonghan hyung ikaw? Ramen?"

Sabay alok ni Hoshi sa dalawa.

Anak ng tupa naman! Pati ba naman dito?! Kaya hindi ko na sila inistorbo. Lumabas na lamang ako at na-upo sa may conference table.

"Hyung! Una na kita nakita!"

Tumango na lang ako kay Dino ng walang gana. At hinanap na niya ang ibang members.

Nang matapos ang laro sakto namang pumasok si CEO.

"Annyeonghaseyo CEO-nim!"

"Oh siya maupo na kayo. Ano bang ipinunta niyo dito?"

"Gusto po sana namin malaman ang background profile ng may-ari ng bahay na tinitirahan namin ngayon."

"Ahh ganun ba? Sige. Maupo na kayo."

Pagka-upo namin inabot na ni Vernon ang diary.

Ang Bahay Ng SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon