Chapter 28: Uncovered Part 2

121 9 3
                                    

Joshua's P.O.V

Nandito kami ngayon sa dining area at kumakain ng cake para sa birthday ni Coups. Masaya kaming nakukwentuhan at nagtatawanan ng biglang bumukas ang mga bintana at humangin ng malakas. Kaya naman nagsitayuan ang mga balahibo namin.

"Oh em gee! Me is so scared na! Waaaaah Hansoooooooooool!" Sigaw ni Seungkwan habang tumakbo patabi kay Vernon.

"Mamamatay kayo!" Nang marinig namin yan napatingin kami sa may sala at nakita namin ang isang anino ng babae at namutla si Coups ng makilala niya ang babaeng iyon.

"J-Jeonghan, siya y-yung sinasabi kong anino ng babae sa puno ng mangga nung unang punta natin dito. S-Siya yung nagparamdam sa akin noon." Ani ni Coups at si Hoshi na katabi ko namumutla na sa sobrang takot dahil sa narinig niya kay Coups.

Unti-unting lumalapit ang aninong itim. Palapit ng palapit. Pero bago pa man yun, nakita ko si Wonwoo na nagbabasa lang. Pero habang nagbabasa, may binigkas siyang salita na hindi namin maintindihan at biglang bumukas lahat ng bintana sa kusina at humangin ng malakas at nawala na lang bigla ang babaeng anino.

Kaya naman napatingin kaming lahat kay Wonwoo.

Ang Bahay Ng SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon