Sunday

207 10 3
                                    

Crystal's POV***

"Jin hyung bakit nilagay mo pa dito yung toothbrush mong pink?!"sigaw ni JungKook at nilabas sa bagahe nya yung pink na toothbrush

"Ilagay mo lang yan dyan!!"sigaw ni Jin na inaayos ang bagahe ni Namjoon

"Meron ka pa bang ilalagay??"tanong ko kay V nang di sya tinitingnan at nakatingin lang sa bagahe nyang inaayos ko

"Ikaw.Gusto kitang isama :3"natigil ako sa ginagawa ko.Di ko sya tinapunan ng tingin.Humiga sya sa kama katabi ng bagahe nya tsaka ako tinitigan ng nakapout

Haist..

Tumalikod ako para kunin yung manikang Alien at ipinasok sa bagahe nya"Crystal.."

Kanina ko pa sya sinusubukang iwasan

"Crystal.."

..pero bwisit lang dahil ako pa ang pinagayos ng bagahe nys tss -___-

"Crystal!"

"ANO?!"

"Ba't ba kanina mo pa ako di tinitingnan??:3"

Oh?Napansin nya pala yun??

"Pinagsasabi mo??"pagkukunwari ko at tinalikuran sya para ayusin yung ibang gamit nya

Lilipat na kasi sila ngayon sa isang Dorm.Para daw siguradong ligtas sila sa mga Sasaeng fan

-.- Sayang..

Huehuehue Charott lang!

"Crystal!"napalingon ako sa pinto at dun ko nakita ang Manager nila.Sinabi nyang sundan ko sya kaya sumunod naman ako

"Ito oh"may inaabot sya sa aking sobre pero nakatingin lang ako dun.

Pakiramdam ko kapag tinanggap ko yun mawawala na sila,di ko na sila makikita,wala na akong komunikasyon sa kanila.Gusto ko pa silang alagaan...

Nagulat ako ng maramdamang inangat nya ang kamay ko at ipinatong ito sa palad ko.Inangat ko ang tingin ko sa kanya na nakangiti sa akin"Isipin mo na lang na hindi mo sila nakilala.Bumalik ka sa dati mong buhay"umalis na sya at ako naiwang nakatulala

Kaya ko ba??

Kaya ko ba'ng kalimutan na lang sila ng ganun-ganun na lang??

Nalipat ang atensyon ko sa pinto ng ilabas na nila ang mga bagahe nila

Shet.Parang gusto ko silang pigilan at sabihing magstay pa ng isang linggo.Unti-unti kong nararamdaman ang pamamasa ng gilid ng mata ko

"Crystal.."

Napalingon ako kay Jin na nasa kanan ko na nagaalalang nakatingin sa akin"J-Jin.."pinilit kong pigilan ang pagbagsak ng luha ko.Pakiramdam ko may nakapasak sa lalamunan ko at ang sikip-sikip ng dibdib ko

"Magingat ka hah?Tandaan mo.."ipinatong nya ang kamay nya sa balikat ko at nginitian ako"...hinding-hindi ka namin makakalimutan.Isa ka na sa mga naging kaibigan namin eh"

"Hyung pwede ko bang makausap si Crystal"sabay kaming napalingon sa nagsalita.At dun na nga tuluyang bumagsak ang luha ko

"V-V.."

Tiningnan muna ako ni Jin at nginitian bago lumabas"Crystal.."

Ibinaba ko ang tingin ko ng tinawag ako ni V at nilapitan.Kitang-kita ko ang suot nyang damit,pants at sapatos.Panigurado akong ang gwapo nya sa suot nyang toh..

"Crystal.."sa pangalawang pagkakataon dun nako humagulgol ng iyak

"Minsan talaga naguguluhan ako.May gusto ka rin ba sa akin??"inangat ko ang tingin ko sa kanya at tinitigan sya

1 Week na Julalay ng Bangtan?! | SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon