Friday

305 13 5
                                    

Crystal's POV***

"Ano ba naman Jimin!Tumayo ka nga dyan at magunat-unat manlang ng buto!"sigaw agad ni Jin ang narinig ko pagpasok ko pa lang sa bahay nila

"Mukha na bang tigalinis ang isang gwapong kagaya ko?"tanong ni Jimin na nakaupo sa sofa.Napailing na lang ako at hinayaan si Nicole na makipaglaro kay V"Ewan ko sayong bata ka!Napakatamad mo!"sigaw ni Jin na nakapamewang

"Grabe ka naman hyung.Di naman ako tamad noh,sadyang masipag lang akong magpahinga"

Pumunta kaagad ako sa kusina para ipaghanda sila ng makakain"Hay nako!Nagkakatigidig tuloy ako dahil sa inyo!"biglang pasok ni Jin sa kusina at tiningnan ang sarili nya sa salamin

Mula dito sa kinatatayuan ko eh kitang-kita ko yung tigyawat nya mula sa reflection nya sa salamin"Pupunta pa naman tayo ngayon sa BigHit.May mga bisita tapos ngayon ka pa tinigyawat"sabi ni Namjoon at umupo sa isa sa upuan.Inilagay ko sa harap nya yung una kong tinimplang Hot Chocolate Coffee

"Thanks :)"

"Talaga?Pupunta tayo sa BigHit?"pasukan na rin nung iba dito sa kusina"Pero bakit daw??"tanong ni JungKook.Inilapag ko sa harap nya yung gatas nya at nagpasalamat naman sya sa akin

"May mga Foreigner daw na bisita at gusto ng BigHit na ipakilala tayo kaya yun"sabi ni Namjoon at humigop sa Coffee nya.Nang mabigyan ko na silang lahat ay nagtimpla naman ako ng para sa akin habang iniinit yung tinapay nila

"Hyung pano ba manligaw??"rinig kong tanong ni V.Sino naman kaya liligawan nya?

"Dalhin mo sya sa lugar na hindi nya alam.Isn't romantic??"sagot ni Hoseok

-___-

Di na ako nagabalang makinig sa usapan nilang pabulong at nagfocus sa tinapay dahil ba'ka masunog lang,mabengga pa nila ako na nakikinig.Nang matapos mainit yung tinapay nila,nilagay ko kaagad yun sa isang lagayan at pumunta na sa lamesa tsaka linagay sa center"V,ba'ka naman akala mo lang yun.Hindi pwedeng--"

Umupo ako sa tabi ng kapatid ko at iinumin na sana ang kape ko ng mapansing tahimik silang lahat"Ba't ang tahimik nyo??"

"Ang laki kasi ng Ilong ni JungKook"dahilan ni Hoseok at tiningnan si JungKook na nakatingin lang sa CP nya

Di sya pinansin ni JungKook na katabi nya at humarap kay Namjoon"Hyung diba matalino ka??"tumango ito dalawang beses habang nakangiti sa tanong ni Jungkook

"May itatanong sana ako"

"Ano yun?"

"Kung totoo ang Darwins Theory na tayong mga tao ay nagmula sa unggoy...

Bakit mukhang kabayo yung katabi ko??"

Sabay-sabay naman kaming napalingon kay Hoseok na katabi nya na ngayon nanglilisik na ang mata

"Jungkook.Naranasan mo na bang masipa??"tanong neto.Nilingon naman sya ni JungKook ng nakangisi

"Oo naman.Sa araw-araw ba naman na lagi kong kausap ay kabayo eh"

Pinagsisipa sya ni Hoseok sa sobrang inis habang si Jungkook eh tawa ng tawa.Lakas rin pala talagang mangasar ni JungKook eh noh?

Napapangiti na lang ako sa kagaguhan nung dalawa.Friday na nga pala ngayon anoh?Dalawang araw na lang tapos na ang trabaho ko at mababayaran ko na yung sa apartment ko.Iuuwi ko rin pala tong kapatid ko at babalik na ako sa dati kong buhay.Babalik na sa pagiging hater nila...

1 Week na Julalay ng Bangtan?! | SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon