Pang-apat na lugar na ito sa mga napuntahan namin para ngayong araw.Alas nuebe na ng gabi pero nagsasalita parin si Zach sa entablado kasama ang mga kapartido niya.
Pagkatapos nilang magsalita lahat ay nagbabaan na sila at may banda ng kumakanta sa gitna.
Naglapitan naman ang mga tao sa kanila para bumati at nakipagkamay kaya alerto akong nakasunod sa likod ni Zach.
"Mr. Harrison." Tawag sa kanya ng isang lalaki na medyo may edad na.
"Mr. Montana." Ganting bati ni Zach sa lalaki.
"Mabuti at nakarating ka pa sa lugar kong ito." Nakangising saad ng matanda.
Napataas ang kilay ko. Nahuli ko ang sinabi ng matanda at hindi nakaligtas sa tenga ko kahit na maingay ang paligid.
"Syempre naman, Mr. Montana." Simpleng tugon ni Zach sa matanda.
"O sya, mag-iingat ka sa pag-uwi ha? You know what I mean, Mr. Harrison." At ngumiti ito ng mala-demonyo.
"Nice meeting you here." Dagdag pa nito at inabot ang kamay.
"Likewise, Mr. Montana." Inabot rin ni Zach ang kamay and they shake hands. It's very obvious that there is something wrong between these two.
"Shall we, Mister Zach?" Tanong ko sa kanya pagka-alis ng matanda.
Tango lang ang sagot sakin ni Zach at nakangiting kumaway uli sa mga tao bilang pamama-alam.
"Check the cars." Utos ko sa security team. Mabuti na ang maging maingat.
"Clear."
Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at pinasakay na si Zach saka ako tumabi sa kanya.
"It's already late at night. The road is no longer safe." Sambit ko.
"Danger is always within us." Dagdag naman ni Zach.
"Take a nap. I know you're tired." Sabi ko sa kanya at ilang sandali lang ay nakapikit na siya.
"Change car position." Instruction ko sa convoys.
May lima na convoys, bale anim na kotse lahat at nasa pang apat na kotse kami.
The second, fourth, and sixth cars move ahead the first, third, and fifth cars. So we are already in the third position.
Next, the fourth, fifth and sixth car move ahead the first three cars kaya nasa huli na ang pwesto namin. Nagpalit uli ng position pa clockwise kaya nasa unahan na kami.
Sinadya ko yun para kung sino man ang sumusubaybay sa amin ay bahagyang malito sa kotse. Sinadya ko rin na magkaparehong kotse ang dala namin para madaling pagpalit-palitin.
"We well do squaring in 10." I instructed.
Pagsapit ng 10 minutes ay ginawa ang squaring kaya nasa pangalawang pwesto na kami.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Kitang-kita ang nagbabadyang sama ng panahon.
"Manong, maghanap nalang tayo ng pwedeng tuluyan ngayong gabi. Malabong makaka-abot tayo ng Maynila sa sama ng panahon."
"Okay, Ma'am."
Binuksan ko ang GPS sa cellphone ko para tingnan kong may malapit ba na inn o motel o hotel para tuluyan namin ngayong gabi.
Luckily, I found one. It's 20 kilometers.
Bahagyang umuuga yung sasakyan dahil nasa rough road na kami kaya nagising si Zach. Sakto rin na pumatak ang malakas na ulan.