1: The President

25 3 9
                                    


***First day of school***

Ria's POV

"Ria!!Ria!!" sigaw ni Jenny sa'kin.

"Bakit?" pagtatanong ko.

"Magkaklase ulit tayo!! Yes!! Akala ko mapapalipat na ako sa 10-B. Sus, Ginoo. Pati na rin sina Leila at Cami kaklase pa rin natin hindi na daw sila magtra-transfer." tuwa nyang pagkakasabi.

Oo, Grade 10 na kami... Pero parang mga nawawalang grade 1 sa school.. Hehe ^_^

"Buti naman kung ganon." sabi ko.

"Tandaaa!!!" pang aasar sa akin ni Cami. Yah! Tanggap ko naman na tanda ang tawag nya sa akin... Kasi pinakamatanda ako sa aming apat.

"Oh? Bakit,bunso?" pagtatanong ko kay Cami..

"Wala lang tawag lang... Hehe.. :D" sabi nya... Dami talaga nitong kabaliwang nalalaman...

««Ring««

"Nasan na ba si Leila? Late na tayo eh nag bell na."pag aalburuto ni Cami.

Sumabat naman si Jenny."Iwanan na natin... I reserve nalang natin ng---"

"Nandito na ako!! Iiwanan nyo pa ako ha!Sorry kung pinag-intay ko kayo..." patampong sabi ni Leila.

"Hay, mamaya ka na magdrama bes, late na talaga tayo baka mapagalitan tayo ng teacher natin tara na..." sabi ko.

Pumunta na kami sa assigned room namin. Saktong pagdating namin kasu-kasunod lang namin ung teacher namin at umupo agad kami sa second row. Ayaw ko sa huli lagi nalang kasi ako nasa hulian gawa ng height ko. Tsaka honor student kailangan kong maintindihan ang lessons.

"Good morning class." bati ni Ms. Seranno

"Good Morning Ms. Serrano." bati naming lahat.

"So, all of you knows me right? And I already know all of you because you are also my students last year in special subject."

Naging teacher namin si Ms. Serrano noong grade 9 kami sa advance biology. Magaling sya magturo kaso madalas na bobored kami. Madali syang maka-close kasi napaka bait nya.

"Now, in the first day of school we well have our class officers. Now the table is now open for President." sabi ni mam.

Nakataas ang kamay ni Ailyn. For goodness sake, sure si Abie ang ipapasok nya. Binubulungan ni Abie sya eh. So, since sya lang ang nakataas sya agad ang nagpasok.

" I respectfully nominate Dayana Fontanilla for president." sabi ni Shiena.

See?? Pa famous lang yan si Dayana.Tss... Baka hindi nga gampanan ung tungkulin nya kung sya ang ma eelect.

Di ko alam kung bakit ang laki ng galit ko sa kanya. Wala naman akong insecurities sa kanya. Sa taba nyang yan?? Maiingit ako? Tss... No way.

After isulat ni mam ung name nya wala pang pinapasok na name para kalabanin si Dayana

Part Of MeWhere stories live. Discover now