6: Childhood Friend

7 1 0
                                    

Ria's POV

Maaga pa ng 10mins. Kaya dumiretso muna ako sa locker ko para kumuha ng libro para magbasa muna ako sa room. While opening my locker I saw a plain white envelope. Sa loob nito may isang color green na papel at puro sulat kaya binasa ko ito.

Ximmy,
           Kamusta ka na Xim? I hope your happy right now. Sana magkita tayo soon, later or someday. I miss you Ximmy. I hope you would like my surprise. Have a Good Day Xim! ☺
                                              
                           Your childhood friend,
                                              Xian

What?! Si Xian? Pero paano nya nabigay yung letter na to eh nasa Canada sya. Tsaka anong klaseng surprise? Umuwi na ba sya? Ba't hindi man lang sya dumalaw sa bahay? Hmm... Pero malay mo Ria, nagpabigay lang sya. Di ba? Hindi pa uuwi si Xian. Namimiss mo lang sya kaya ganyan ka kung mag-isip. Hay.

Leila "Ria!"

***bugssshh***

"Aghhh. Aray..."

Nagitla ako sa sumigaw kaya nauntog ako sa pintuan ng locker ko.

Leila "Ria ok ka lang? Sorry nagulat kita. Nauntog ka tuloy."

"Ha? Eh, oo. Ok lang ako. Malayo to sa bituka."

Leila "Sorry talaga."

"Ok nga lang ako. Haha. Tara pasok na tayo sa room."

Dumiretso na kami sa room at nilagay ko sa bag yung sulat. Nakapagtataka kasi.

Cami "Good morning Tanda and Leila."

I just nodded. Saktong pagdating ni Jenny dumating na din si Mam. We started the class.

----

We skip the lesson dahil pumunta ang guidance councilor namin sa room kinausap nya ang teacher namin sa labas so, nag-usap lang kami ng madali.

Leila "Ria, ba't ka nagulat kanina? Hindi ka naman magugulatin di ba?"

"Ha?"

Jenny "May tinatago yan sa atin kaya ganyan. Meron nga ba Ria?"

"Ha? Wala, wala kaya."

Cami "Wala daw. Ba't ka ganyan magsalita? Mukhang di mapakali. Sabihin mo na tanda."

"Ano kasi, heto."

Nilabas ko yung letter at pinakita ko sa kanila. Agad nila itong binasa.

Cami "Aba! May IMY pang nalalaman. Sweet."

"Kababata ko yan. Normal lang yan. Ano ka ba. Haha"

Leila "Malay mo sa tagal tagal ng panahon, susulatan ka pa ng ganyan kung wala namang something deep inside sa heart nya?"

"Ano bang iniisip nyo? Magkaibigan lang kami. Di na lalampas yun."

Jenny "MAGKAIBIGAN? o MAG-KA-IBIGAN."

"Tse, ang corny mo jenny. Tama na ang kain ng mais ha." Pabiro kong sabi.

Cami "Sa tingin mo, ano ang sorpresa nya sa'yo."

" Hay, ewan ko. Hindi ko na muna yan iintindihin. Mamaya nalang."

Cami "Okie."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Part Of MeWhere stories live. Discover now