chapter three

7 0 0
                                    

Bang

akalain mo yun na anak pala si ara ng isa sa mga pinakamayamang tao dito sa bansa pero kahit ganun hindi mo sya makikitaan ng Pagkamaarte o pagkamayabang very down to earth sya. Nung pinakita nya samin yung secret garden nya namangha talaga ako kasi ang ganda sobra halatang alaga ito at sadyang pinagisipang mabuti ang disenyo.

Very calm, fresh, relaxing at homey ang dating ng garden ni ara ang sarap matulog grabe kung wala nga lang klase baka natulog na ko don. Ahahah

Akala ko na tahimik lang sya kasi kahapon hindi sya madalas magsalita kung hindi mo sya tatanungin hindi sya sasagot. Napakasirsoyo pero kanina yung ibang ara ang nakita ko.

Very charming sya yung tipo na mapapatingin ka talaga sa kanya dagdag pa na gwapo to. Nung nahawakAn ko yung kamay nya parang may kuryente akong naramdaman kaya dali dali ko ding binawi ang kamay ko ganun din kaya sya.

Ewan ko kung bakit ganito nararamdaman ko tuwing malapit sya yung para bang ang saya ko kasi ang lapit nya hindi ko maintindihan yung sarili ko, hindi ko naman ito naramdaman sa mga ex bf ko eh. Sa ngayon hahayaan ko muna ito kug hanggang saan itong nararamdaman kong ito masaya naman ako eh.

Nakakatuwa nga eh, ako lang yung tumatawag ng ara sa kanya mas gusto kasi nya vic yung itawag sa kanya.

Flashback

Bb padeliver ka nga ng food bisita mo kami wala ka man lang iaalok samin para makain anu ba yan. Hoy, bangnita aba sino ba ang laging umuubos ng supply ko dito diba kayo ni mands kung makareklamo ka boss lang. Kontra ni mela. Cge na gutom na kaya kami nakakahiya naman aa mga bisita mo. Opo madam ooder na nakakahiya naman sayo eh dagdag pa nya. Wala kasing magawa man lang si mands busy sa pinapanood nya, si kim busy kay mela yung victonara naman na yun ayun nasa kwarto natutulog ata eh.

After 30 mins saktong lumabas si vic at pagtunog ng doorbell.

Hoy carmela nanjan na yung pinaorder mo ung pambayad bilis at gutom na ko. Ayan si fo oh mayaman naman yan eh libre na nya sya na magbabayad turo nya kay ara.

Oo nga pre bawasan natin yang yaman mo gatong pa ni kim.

Anung kinaliman ko jan kakalabas ko pa nga lang malay ko ba jan.

Ganito ksi yun ara, nagpadeliver si bb ng food tas ikaw magbabayad yun lang naman sabay lapit ko dito.

Naks, ikaw pa lang ang tumawag ng ara kay vic alam mo ba yun. Sabi ni kim.

Oo na ako na dapat pala mamaya pa ko lumabas para kakain na lang ako. Ahahah. Hoy, kim wag kang madaldal jan kung anu anu pinagsasabi mo. Sabay lakad papuntang pinto.

Pagkalagay pa lang ni ara ng pizza sa mesa agad ko na itong nilantakan. Babaita mahiya ka naman feel mo ikaw nagbayad saway ni mands. Gutom ako ganun talaga tara ara kain na tayo. So si fo lang talaga ang tinawag, oo sya kasi nagbayad kaya ganun.

Anu yung sinabi mo kim kanina na ako lang yung tumawag ng ara sa kanya tanong ko.

Oo ikaw pa lang kasi lahat sila tawag sakin vic sagot ni ara.

Ayaw mo nun ako lang ang tatawag sayo ng ganun. Bb Baka mamaya iba na pla yan, gusto mo sayo na sya tutal single naman kayo parehas eh. Malay mo pwede din sabi ko pa.

Ayun pre may lovelife kana oh, si bang na nagsabi ligawan mo na, si kim. Manahimik ka jan nognog kung anu anu pinagsasabi mo kumain ka na nga lang.

Bangnita eto na yung inaantay mo ng hindi ka laging masungit samin diba mela. Si Mands. Sige na fo ligawan mo na yang lola namin ng hindi hb parati, laging ang init ng ulo eh.

Ako nanaman nakita nyo noh, kumain na lang kayo jan at ikaw ara gusto ko ako lang ang tatawag sayo ng ara ah kung hindi malilintikan ka sakin, baling ko kay ara.

Wow bb huh, gf lang kung makapagutos kay vic. Hayaan mo na fo gusto ko naman eh diba baby. Sabay wink ni ara.

Yiiieeehh kaw na bang haba ng hair mo eh. Hay naku magtigil ka nga jan mands kumain ka na lang.

End of flashback

After last class namin kanya kanyang labas na kami pero kami ni mands nagpunta pa sa gym kasi mayannouncement daw si coach pero hindi din nagtagal kaya eto ako ngayon papauwi na. Teka si ara ba yun. Sabay tingin sa may waiting shed. Pagtapat ng kotse ko sa kanya inalok ko na ihatid na lang sya parang bayad na din sa lunch kanina.

Dahil rush hour na medyo inabot kami ng isang oras sa byahe.

Nakarating din kami sa condo na tinitirhan nya, grabe dito sya nakatira alam ko isa itong condo na ito sa mga pinakamahal dito sa pilipinas.

Ahm, ara dito ka ba nakatira diba.? Tanong ko.

Oo, dito nga.. Tara baba ka muna baka kasi gutom ka na pagluluto kita ng dinner kung ok lang sayo. Sabi nya.

Of course hindi ko tatanggihan yan noh.. Tara na.. Akmang baba na ko ng pigilan nya ko.

Bakit? Puna ko.

Wait lang wag ka munang bumaba, sabi nya sabay baba sa driver seat at ikot papunta sa kabila para pagbuksan ako.

Thank you, how sweet of you baby sabay biro ko.

For you baby,sabay wink nya.

Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga gesture na pinapakita nya sakin meron syang way na magpapakilig talaga sayo in a very simple way.

Habang papalakad na kami papuntang elevator bigla na lang nyang inangkla ang braso nya nagpapahiwatig na humawak ako dito syempre magpapakipot pa ba ako galang na yan eh.

Napansin ko na panay bow sa kanya ng mga staff na nakakasalubong namin dito isa siguro ito sa pagmamayari nila kaya ganun sa isip ko.

Habang lulan ng elevator hindi ko talaga maiwasan na hindi mamangha sa angking ganda na loob nito.

Anong floor yung unit mo tanong ko sa kanya, ngunit isang ngiti lamang ang sinagot nya sabay pindot ng p button.

Hindi ordinaryong elevator ang sinakyan namin kasi napansin ko na hindi sya ganun kalaki kumpara sa totoong sukat ng mga elevator parang ginawa lang ito para sa pang personal na gamit lang. Madami akong gustong itanong sa kanya ngunit mas pinili ko na lang na manahimik muna.

Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon