Chapter 1

231 3 0
                                    

Bea's Pov

Sabi nila, Graduation is not yet the end, It's just the new beginning.

Pinag masdan ko ang paligid ng University na papasukan ko. Napaka lawak. Napaka laki.

Naalala kopa nung mga panahon na halos dugo't pawis ang inialay ko maka pasok lang dito. Naroon na madaling araw palang ay nandito na ako para pumila. Ilang beses rin akong bumalik para lang magawa ang mga kailangang gawin, at ngayon heto at abo't kamay kona.

Kilala ang University na Ito sa buong Bulacan kaya ginawa ko talaga ang lahat para maka pasok lang dito.

Gusto kong may mapatunayan. Gusto kong ipakita sa lahat na iba na ako. Hindi na ako yung dating Bea na pwede na ang pwede na. I want the best for my self.

" Bhestie pano may klase nako, mauna na ko ah. Kitakits nalang ulit mamaya "

" Sige bhestie Ingat "

Sabay kaming nag enroll dito ni bhestie dahil parehas naman kaming naka pasa sa entrance exam. Yun nga lang ay magka iba kami ng course na kinuha.

Tourism Management ang kinuha nya, samantalang Business Administration Major in Marketing Management naman ang kinuha ko. Hindi naman kasi kami katulad ng iba na porket magkaibigan ay kailangan parehas na ang kukunin. Magkaiba ang pangarap namin at nangako kami na sabay naming aabutin yon.

Mag isa akong naglakad papunta sa building ng CBA. Napaka layo non kumpara sa CHE Building na building nila bhestie. Sa gate 1 kasi kami dumaan dahil malapit dito ang building nya. Pero kung sa gate 3 naman ay mas malapit ang building ko. Ayus lang naman dahil gusto ko talaga syang sabayan.

10:00 am - 1:00 pm ang first class ko at 2:00 pm - 5:00 pm naman ang last. 9: 30 am palang kaya aabot pa naman ako.

Nakaka panibago talaga. Dati rati ilang subject sa isang araw ang kailangang pag aralan, ngayon 3 lang sa isang araw ang pinaka marami sa schedule ko, tapos 3 days lang din ang pasok ko at hindi katulad dati na araw-araw.

Kasabay ng pagbabagong to, ang tuluyang pagbabago ko rin sa sarili ko, at disidido na talaga ako sa bagay nato.

Sa haba ng nilakad ko ay sa wakas naka rating rin ako sa room ng 1st subject ko.

Lima palang ang tao sa loob, maaga pa ako ng 15 minutes.

Umupo ako sa bandang harapan. Mas madali kasing intindihin ang lesson kung sa harap ka uupo dahil bukod sa kakaunti lang ang distractions, mas maririnig mopa ng maayos ang tinuturo ng prof mo.

Dumukmo muna ako habang nag hihintay pero ilang sandali lang ay may kumalabit sakin. Kunot noo kong tiningnan kung sino iyon at laking gulat ko ng bumungad saakin ang ngiting ngiting si Jared katabi sina RJ at Ren na naka tingin lang naman saakin.

" J- Jared!, p-panong? ... " kinusot kusot kopa ng ilang beses ang mga mata ko. Baka mamaya kasi nag ha hallucinate lang pala ko. Tumawa lang sya sa ginawa ko.

" Totoo to sweet, dika nananaginip " tinusok tusok kopa gamit ng daliri ang pisngi nya para makasigurado at lalo lang nya akong tinawanan.

Ilang sandali akong natahimik. Hinayaan ko munang mag sink in saakin ang lahat bago ako nag salita.

" Anong ginagawa nyo dito? "

Crush (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon