Chapter 16

45 2 0
                                    

Raine's Pov

" Explain Brix "

" Eh kasi naman ate pag bukas ko ng pinto kanina bigla nalang syang bumulagta sa sahig, naka sandal siguro sya sa pinto. Tapos dala nya yang mga alak na yan, nung hinila ko nga sya papunta dito inaya pakong makipag inuman sa kanya. "

Napa hilot ako sa sentido ko, talaga nga namang dumayo pa ang lalaking to para mag lasing ah. Gawin daw bang beer house ang bahay namin, buti nalang wala si mama.

" RJ, uy RJ " kalabit ko sa kanya

" Mhh! "

Tumingin lang sya saglit pagkatapos ay dumukdok ulit. Bangag na bangag ang loko!, ano kayang nangyari sa kanya?

" May sinabi ba sya kung bakit sya nag lalasing? " tanong ko kay Brix, nagkibit balikat lang sya.

Tanong ko kaya kay bhestie?

Aist! hindi pwede, magtataka yon kung bakit dito nagpapka senti ang bhes nya. Baka isipin pa may something kami wag nalang!

" Tulungan mo nga ako, dalin natin sa kwarto ko "

Bigla akong tinaasan ng kilay ng mokong kong kapatid pagkatapos ay biglang ngumisi.


" Oy wag mokong ngisihan ah, papahigain ko lang don para maka tulog sya ng maayos, dun ako matutulog sa kwarto nila mama "

" Defensive! wala naman akong sinasabi ah bakit ka nagpapa liwanag? " mas lumawak pa ang mapang asar nyang ngiti.

" Batukan kita dian eh!, tara na nga lang "

Nang mai higa na namin si RJ sa kama ko lumabas muna si Brix kaya ako nalang muna ang nag asikaso sa kanya.

Aist! pasalamat ka kahit papaano natulungan moko, kung hindi bahala ka sa buhay mo ang sungit mo pa naman saakin.

Tinagilid ko sya at tinanggal ang jacket nya. Ewan ko ba sa lalaking to, ang init init naman naka jacket pa.

" Bzz bzz "

Naramdaman kong may nag vibrate kaya kinapa ko ang bulsa ng jacket nya at nandun nga ang phone nya.

Pag silip ko sa phone nakita kong kay bhestie galing ang message. Nag dalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba but in the end binuksan ko na, baka kasi sakaling malaman ko kung anong nangyari.

Crush (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon