Chapter 52

22 3 2
                                    

Bea's Pov

Nung una ay pangiti ngiti pa pero habang tumatagal ay nakikita ko ang magka halong kaba at pagka balisa sa mukha ni Jairuz.

Hindi ko alam kung gaano na katagal ang naka lipas nung huli silang magkita, ang tanging alam ko lang ay hindi naging maganda ang naging pa uusap nila. 

Medyo malayo layo narin ang nai ba byahe namin kaya pakiramdam ko ay malapit na kami. 

" Are you ready to meet my father? " naka ngiting tanong nya, bahagya akong tumango. Binigyan nya ako nang nagtatakhang mga tingin. 

" Why?, are you okay? " bahagya syang tumingin sa akin at tumingin na ulit sa daan

Ramdam kong nagpapanggap lang syang okay pero deep inside ay kinakabahn sya sa kung ano mang pwedeng mangyari. 

" Ikaw ata kasi ang dapat kong tanungin nyan eh! Are you sure about this?, ready ka naba talaga na makita at makausap sya ulit? " 

Napa buntong hininga sya

" You really know me " naka ngising sabi nya 

" Jairuz! I'm not kidding okay!, I'm really worried about you. You're pretending to be fine when the truth is you're not. "

Saglit syang natahimik at ilang sandali lang ay inihinto nya ang sasakyan. 

" We're here! " naka ngiting sabi nya na parang binalewala lang ang lahat ng sinabi ko

" Jairuz! " 

Bumuntong hininga sya matapos kong tawagin ang pangalan nya and this time seryoso na syang tumingin sa akin. 

" Jairuz ang gusto ko lang naman sabihin mo sa akin yung totoong nararamdaman mo. Don't pretend kasi ako to, wala kabang tiwala sa akin? I'm here to help. "

After saying that nag simula nang mangilid ang mga luhang malamang ay kanina pa nya pinipigilan. 

" Yah! Inaamin ko I'm not really sure about this, kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa kung ano mang mangyayari mamaya, kinakabahan ako sa kung anong magiging reaksyon nya at magiging reaksyon ko kapag nagkita at nagka usap na kami. Pero hindi ko naman malalaman kung hindi ko susubukan diba?" this time nag crack na ang boses nya " I really badly want to talk to him kahit noon pa pero pinigil ko kasi gusto ko kapag nagka harap na kami okay nako, ayoko syang sumbatan, ayoko syang saktan kasi kahit pagbali baligtarin naman natin ang mundo Papa ko parin sya "

Hindi ako nag salita at pinag masdan lang sya. Maya maya lang ay unti-unti syang ngumiti. 

"Thank you sa concern, I really appreciate it pero wag ka nang mag alala. Matagal ko nang pinag isipan to at desidido na akong kausapin sya. Napatawad ko na sya noon pa Bea, gusto ko lang na maging buo na ang pagpapatawad nayon. Isa pa, gusto kong ipakilala ang fiance ko sa kanya kaya hindi mo na talaga ako mapipigilan. It's now or never, ayoko na ng burden sa puso ko, gusto kong maging okay na kami ng tuluyan bago manlang tayo ikasal

Bumuntong hininga ako at saka ngumiti sa kanya. Hindi ko naman talaga sya pipigilan, bakit ko naman gagawin yon?, ang ayoko lang yung gawin nya yon ng hindi pa talaga sya handa. Ayokong maging hindi maganda ang kalalabasan nito. 

"So are you ready?, nandito na tayo" sabi nya, tumango ako at agad naman kaming lumabas ng kotse. 

Nasa tapat kami ng isang maganda pero hindi naman sobrang rangyang bahay.

Malawak din ang harapan ng bahay nila kaya may mini garden pa. Nasa kabilang gawi kami ng kalsada kaya naman tumawid pa kami. 

Pagka lapit namin doon ay nakita naming may dalawang mukhang teenager na lalaki na naglalaro ng basketbal sa may labas ng bahay. May maliit na ring kasi sa may malapit sa garden area nila. Sobrang simple pero  napaka ganda ng ambiance sa labas ng bahay nila.

Crush (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon