Chapter Four

112 8 0
                                    

Jun's PoV

Dahil siguro wala ako sa dorm ko kaya nagising ako ng maaga at naligo kaagad tapos naisipan kong magluto para thank you kay Minghao. Maaga pa naman mga 5:00 am palang mamaya pa namang 7:30 am pasok eh.

Lumipas ang 5 minuto at naalala kong di pala ako marunong magluto. May
tinapay kaya sila para kahit toast lng
may maalmusal kami.

Hindi ko namalayang nasa likod ko na si Minghao kaya napatalon ako ng tawagin nya ko.

"Minghao nagulat naman ako sayo!!"sabi ko na napahawak pa sa dibdib ko para mapatunayan yung statement ko.

"Sorry naman po. Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kusina. Gutom ka na ba?"tanong nya habang pumunta sa harapan ng ref.

"Hindi naman, gusto ko lng sana magluto para makapag thank you sayo kaso nakalimutan kong di pala ako nagluluto. Pero toast kaya kong gumawa."sabi ko tapos kinamot ko yung batok ko.

"Wag ka nang mag abala may cereal naman dito di rin kasi ako marunong magluto."sabi tapos sinara nya na yung pinto ng ref hawak yung boteng may gatas tapos inabot din nya yung cereal box.

"Gising na ba yung kambal?"tanong niya.

"Di pa nga eh gigisingin ko palang kasi may pasok din sila"sabi ko tapos naglakad na ko pabalik doon sa guest room.

Sinundan lng ako ni Minghao. Bakit kaya?

"Jun pwedeng picturan ko yung kambal ang cute kasi nila" tanong niya di ko man lng namalayan na hawak niya na yung phone nya.

"Cge ba pero wag mong papakita sa kanilang dalawa. Ayaw kasi nila yung pinipicturan sila ng tulog" sabi ko

"Okay" matipid nyang sagot at kinuhanan niya na nang picture yung dalawa. Ako naman unti unti ko silang ginising moody kasi tong kambal pag bagong gising.

"Han wake up na. Cheoll may pasok pa kayo" sabi ko habang dahan dahan ko silang ginigising.

"Ahhh!! Mommy ayaw pa gising."
mangiyak ngiyak na sabi ni Hannie.

Si Cheoll naman nagising na pero nakasimangot siya kaya di ko muna sya kinausap.

"Hannie cge ka malalate ka sa school " sabi ko para magising na siya.

"Pero uncle ayaw pa" sabi niya na ikina inis ni Cheoll kaya nasigawan niya si Hannie. Umiyak tuloy si Han.

"Minghao sorry ha maingay tong dalwa" sabi ko nung naalala ko nandito pa sya sa kwarto.

"De ok lng mas maganda ngang maingay eh. Pero sa tingin ko dapat mo nang patahanin si Han 5:50 na baka malate pa sila" sabi niya habang naka smile.

I tried making funny faces to calm her down pero wala paring epekto. Kung ano anu nang sinubukan ko para tumahan sya wa epek parin. Dagdag nyo pa yung pang aasar ni Cheoll sa kanya.

Nagtataka parin talaga ako kung talagang apat na taong gulang tong dalawang to.

"Jun try kong patahanin si Han bihisan mo na si Cheoll para makapag breakfast na tayo."sabi ni Hao

Hindi na ko sumagot dumerecho na lang ako sa bathroom buhat si Cheoll.

Makalipas ang 15 minutes napaliguan ko na si Cheoll. Pag kalabas namin sa bathroom bumungad agad ang isang good mood na Hannie na nakaligo na?

"Wow!! Minghao pano mo napatahan si Han"tanong ko kasi minsan di ko napapatahan si Han inaabot ako ng kalahating oras o higit pa.

"Wala naman sinabi ko lng na pag tumahan siya maglalaro kami"sabi niya. Bakit di ko naiisip yon no.

So fast forward na tayo pagkatapos naming mag almusal sinamahan nako ni Mingahao na ihatid yung kambal sa school nila. Tapos pumasok na kami sa school namin.

"Junhui!!!"napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag sakin si Joshua lng pala.

"Oh Josh sup?"bati ko tapos nakipag fist bump pa ko sa kanya.

"Jun di ka nagsasabi ha may girlfriend ka na pala"sabi nya habang nakatingin sa direksyon ni Hao.

"G-girlfriend hindi,hindi ko sya girlfriend no classmate ko lng siya at friend. Nga pala Josh si Minghao. Minghao si Joshua childhood friend ko."sabi ko na medyo flustered.

"Oh Jun una na pala ako may committee meeting pa pala kami ngayon. Nice meeting you Joshua. Bye see you later guys" sabi ni Minghao na nagtatakbo.

We just waved at her then I looked at my phone and it's already 7:17 am may oras pa naman kaya kinausap ko si Joshua.

"Josh nga pala bat napadpad ka dito."
tanong ko. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita pero curious lng ako kasi di naman siya dito nag aaral.

"Kasi from now on dito na ko mag aaral and guess what classmates tayo."sabi nya na naka smile.

"Talaga!! Kasama mo si ba YOBAKA na lilipat dito sa school."tanong ko. Excited lng ako kasi kung kasama niya si DK buo na ang squad naming tatlo. Miss ko na kaya silang dalawa sila lng yung mga kaibigan ko dati nung bata pa ko pati narin sya.

"Oo kasama ko sya actually nasa likod mo na nga siya eh"sabi ni Shua napa tingin naman ako sa likod ko.

"Alam mo Jun pasalamat ka nagring na yung bell kung di nasipa na kita." sabi ni Dk na nakasmile ng pagkalaki laki. Shoot late na kami hinatak ko yung dalawa at tumakbo papunta ng room.

Papel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon