Chapter One

560 14 2
                                    

Minghao's PoV

Ayoko sa kanya ang sama-sama niya sakin. Hindi ko naman siya inaano. Ako na lng laging napagtitripan nitong jerk na to. "Hoy!! Minghao umalis ka nga sa daanan" oh speaking of the devil. "Junhui hindi naman ako nasa daan ha!" Sabi ko "aba aba sumasagot ka na ngayon." pang aasar niya. Hay Minghao di ka pa nasanay dyan sabi ng utak ko. Di ko na lng pinansin si Junhui hanggang mag umpisa na ang klase namin. Tinigilan din nya naman ako dahil pumasok na si ma'am Jihoon ang Music teacher namin. "Good morning class. So today magkakaroon kayo ng group practicum by two's kaya maghanap na kayo ng partners niyo" sabi niya tapos umingay na yung buong classroom. Kay Seungkwan na lng ako makikipag pares pero siguradong naunahan nako ng boyfriend nyang si Vernon. "Quite down class ang ingay nyo. Ako na lng ang mag papair sa inyo. Miss Boo partners kayo ni Mr. Chwe. Miss Granada kay Mr. Everdeen, blah,blah,blah"sabi ni ma'am after ng mga 40 inutes tinawag din ako. "Miss Xu partner mo si Mr. Wen okay now class gusto ko kayong mag isip ng kanta na kakantahin niyo dapat duet at gusto kong ipresent nyo yon dito sa harap next meeting. Maliwanag ba?" nag punta na sila sa mga partner nila ako naman ayaw ko pang lapitan si Junhui baka pagtripan na naman nya ko. Mga 5 minutes na ata akong nasa upuan ko kaya nilapitan nya na ko. "Hoy!! Minghao ano pang tinutunganga mo dyan may naisip ka na bang gagawin natin" he shouted/ whisper niya. "Sorry wala pa ikaw ba ano bang naiisip mo"sabi ko." Uhm wala parin eh" sabi nya, hays tingnan nyo na wala pa pala syang na iisip tapos sinisigawan nya na ko. Adik talaga tong Junhui na to.

Natapos na ang first period namin at second period na, si sir Seungcheol or mas gusto niyang matawag na sir S.Coups pinatawag niya kami sa gym since PE namin sya."Guys we're going to play DODGEBALL. Aren't you excited kasi ako excited na ko" sabi ni sir S.Coups. Everyone grunted sa lahat ba naman ng sports na pwedeng laruin dodgeball pa. "At may dagdag pa ko. Boys vs Girls ang game natin ngayon kaya na eexcite ako." Dagdag pa ni sir. Mas lumakas ang bulungan dahil sa sinabi ni sir. Coups. "Bilisan nyo na mag uumpisa na tayo." Dagdag niya. Excited much sir,isip ko sa sarili ko. Nakita ko sa kabilang dulo si Junhui na naka - smirk sakin. Uh-oh patay ako target nito sigurado lng. Nakapag palit na kami so nag umpisa na kami mag batuhan ng bola. Unti - unti kaming nabawas hanggang sa si Seungkwan, ako at si Jun na lng ang natitira. "Bes tabi!! " sabi ni Kwan tapos tinulak nya ko tapos sya yung tinamaan ng bola so out na sya. Ayan tuloy one on one na kami ni Jun. "So pano ba yan Hao suko ka na?"tanong nya habang naka smirk. "NEVER!! " sigaw ko tapos sabay naming binato ang isa't isa. Ewan ko ba pero bigla na lng akong nag passed out.

Jun's PoV
Binato ko yung bola pero di ko naman akalaing tatamaan siya sa mukha eh. "Minghao!! "sabi ko tapos lumapit ako sa kanya. Shit dumudugo yung ilong niya. "Sir dadalhin ko po si Minghao sa infirmary." paalam ko kay sir Coups. "Cge bantayan mo na rin sya" sabi niya tapos binuhat ko na ng bridal style si Minghao tapos pumunta ba ko sa infirmary. "Oh Junhui anong nangyari kay Minghao."bungad ng nurse ng school infirmary na nagkataong ate kong si ate Jeonghan. "Ate naglalaro kasi kami ng dodgeball sa PE class namin kaso napalakas ata yung bato ko kaya nung tumama sa mukaha niya dumugo ilong niya at nahimatay siya" sabi ko habang kinakamot yung batok ko. "Ano ka ba namang bata ka. Sabi nila kung mahal mo ang isang tao give your best shot, di naman nila sinabing literally mo gawin yon." sabi ni ate na medyo naiirita habang inihihiga ko si Minghao sa isa sa mga bed doon para malinis ni ate yung nukha niya."Sorry ate" I said apologetically. "Wag ka sakin mag sorry kay Minghao ka mag sorry pag gising na siya" sabi niya." Dagdag mo narin yung confession mo. Ang torpe torpe mo naman kasi kapatid eh. Cge alis muna ko at may pagsasabihan lng akong mukhang gilagid sandali." Sabi ni ate na papunta ng gym, patay ka kuya Seungcheol sa labas ka matutulog mamayang gabi. Napatingin ako kay Minghao ang cute talaga niya kahit anong gawin niya. Di ko namalayan na sa kakatitig ko sa kanya ay nakatulog nako.

Minghao's PoV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hapon na na-miss ko na lahat ng klase ko. Nasa infirmary ako kaya tumingin ako sa paligid ko tapos nakaita ko si Jun na nakaupo sa stool katabi ko nakayuko natutulog. Kaya ginising ko siya "Jun gising"sabi ko habang tinatapik sya. "Huh??!! Gising ka na sa wakas" sabi tapos bigla niya kong niyakap. "J-jun"I stuttered. "Oops!! Sorry masaya lng ako na okay ka na. At sorry nga pala sa nangyari kanina diko naman kasi akalaing tatama sayo yung bola."he said rubbing his nape. "Okay lng yun di kasi ako umilag kaya ganon. So.............." I said awkwardly tapos biglang pumasok si nurse Choi. "Hao buti na lng gising ka na. Pwede ka nang umuwi pero lagyan mo ng ice pack yung ilong mo pag nasa bahay kana." Sabi ni nurse Choi. "Opo cge alis na po ako" sagot ko. "Jun dahil ikaw ang may kasalanan bakit nandito si Minghao. Ihatid mo sya sa kanila."dagdag pa niya. So sa dulo inihatid nya ko.

Third Person's PoV
Umuwi na nga ang dalawa at habang naglalakad sila. Biglang nagsalita si Jun." Sorry talaga sya nga pala kaylan natin papractisin yung performance natin sa music sa Friday nayon?"sabi niya. "Ah bukas pag katapos ng klase kita tayo dito sa amin. Since may music room kami doon na lng tayo mag practice." Sabi ni Minghao habang papasok nang gate nila. "Ge bye see you bukas" sabi ni Junhui bago tumalikod at naglakad na papunta ng dorm niya.

××××××××××××××××××××××××××××××××
A/N kung may makakabasa man nito thank you at pasensya na kung masyadong mahaba yung chapter. Inispired lang pala to ng kapatid kasi parehas kaming shipper ng JunHao.

Papel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon