SCM (One Shot)

34 1 1
                                    

Nikolai's POV

Ako Si Nikolai Alca, isang teenager, bulakbol, bully, bagsak sa lahat ng subjects at laging naghahanap ng away..

Pero NOON 'yun....

Dahil Simula nung nakilala ko ang babaeng 'yun, binago niya lahat....

~~~~~~|~~~~~~|~~~~~|~~~~~~~

"Nak, *sighs* ganito na lang ba tayo araw araw na magkikita at mag-uusap? Lagi kitang ginagamot?"-mama (Habang nilalagyan ng betadine yung bulak nilagay sa sugat ko sa may banding labi)

Ganyan si mama, kahit may kasalanan ako , lagi niya akong iniintindi...

"I love you ma..."

"Naku bata ka! Dinadaan mo talaga ako sa mga I love you mo! Pero I love you too.."

Niyakap ko sa mama.. I'm so lucky to have her as my mother..

"*kumawala sa yakap* buti at labi mo lang ang pumutok at hindi ang mukha mo! Since Wala ng betadine at mga gamot para sa mga sugat mo, bumili ka dun sa pharmacy at isama mo na rin ang gamot ko para sa stress! Baka mapadali ang pagtanda ko dahil sa'yo"-mama

Natawa na lang kami sa inasta ni mama na parang bata..

Papa ko? Nandun sa America.. 'di ako gaanong close sa kanya..

Tumayo na si mama at pumunta sa kwarto para kumuha ng pera para sa pinabibili niya

Ba't nga ba ako basagulero? hmm, ewan ko, kakambal ko lang siguro ang gulo kaya hindi buo ang araw ko na walang away na hindi ako nasasangkot

" Eto na ang pera *sabay lahad sa pera* iwasan mo ang gulo okay? Bago ko pa ginamot yung labi mo!"-mama

"Opo. *sabay kuha sa opera*"

Nagpahatid na ako Kay Tatay Jaime , driver namin sa may malapit na pharmacy

"Hijo , Eto lang ang pinakamalapit na pharmacy sa bahay.."-tatay Jaime

"Sige po, paki-hintay na lang po ako"

Bumaba na ako at pumasok sa loob ng pharmacy...

"Welcome po sa Generics pharmacy! Ano po ang maililingkod ko sa inyo?"

Sinabi ko kay Kuya Mikel (kilala ko dahil sa I.d niya) yung mga pinabibili ni mama...

"Uh,sir?"

"Nikolai na lang po Kuya Mikel.."

"Okay, Nikolai, makapaghihintay ka pa ba? Inaayos pa kasi yung computer system, hindi kasi lumalabas ang mga resibo"

May magagawa pa ba ako? -_-*

"Okay lang po"

Pinagpasyahan ko na lang na umupo sa may bench nila dito...

She Changed Me (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon