Chapter 24:Training
ALASTRES nang madaling araw ay nandito kami sa isang park para mag jogging alam kong maaga pero ganito daw talaga ang oras pa nang jojoging sila at para na rin masanay daw akong ganitong oras gumising dahil araw araw ay gagawin nanamin to nasa training mode ako ngayon ! Tungkol muna sa combat skills ang ituturo nila ngayon bago ang iba ,dapat daw matuto muna akong makipag laman nang mano-mano
Diba pumayag na ako kay kuya lelouch na tumayo bilang gangster princess pero hindi talaga ayon ang gusto ko
Ang gusto ko lang kaya ko gagawin to ay para maprotektahan si ate sofia dahil ayaw ko nang maulit kung ano man ang nang yari sa kanya ngayon
"Alright! One hour na jogging"sambit ni ate leslie
Pampalakas daw nang immune system ang pag jojoging para hindi daw ako madaling hingalin pag tinuruan na nila ako kung pano lumaban at para na rin daw lumakas ang reflexes ko.
kalahating oras pa lang ay hinihingal na ko pero sila parang wala lang
Si kuya jeyfred at kuya grayson ay nakaheadset at parang hindi napapagod ,Si kuya drake namn patuloy lang sa pag takbo ganun din si ate zane at ate leslie ang titibay nila
"Gusto mo nang tubig?"alok ni kuya jeyfred saken sabay abot nang isang bottle nang mineral water
"Thanks"sabi ko ngumiti naman sya saken at tumakbo na ulit
At kahit na hinihingal na ay tumakbo na din ako
Makalipas nang isang oras ay tumigil na din kami sa pag takbo na walang hintuan ! Ako lang ang huminto saglit saglit
at nag jogging ulit kami pabalik sa bahay hindi naman kalayuan ang bahay dito kaya ayos lang nakery ko pa kahit na hingal na hingal na ko at tagaktak na sa pawis !
pag dating namin sa bahay ay pinag pahinga muna ako ni ate leslie sila naman ay nasa boxsing ring at nag lalaban
Ang nag lalaban ngayon sa isang boxing ring ay si kuya drake at kuya grayson taga cheer naman si kuya jeyfred hahaha
"Tangna naman thone !! Galing galingan mo naman tsk tsk sabi ko na nga bat at wala ka talagang silbi"iling iling na sabi ni kuya jeyfred
Tiningnan sya nang masama ni kuya drake at nag dirty finger
At dahil ata sa galit ni kuya drake sa pang aasar ni kuya jeyfred ay sa isang iglap lang at nasa sahig na si kuya grayson at nakadapa
Nakita ko kung pano ginawa ni kuya drake iyon kitang kita nang dalawang mata ko
Nang susugod na si kuya grayson sa kanya ay bigla nyang hinawakan ang kamay na pang susuntok sa kanya ni kuya grayson at nilagay sa likod , pinatid nya ang mga paa nito dahilan para mapadapa ito ,dinaganan sya ni kuya drake mula sa likod habang hawak hawak pa din ang isang kamay nito
pero nagulat ako sa ginawa ni kuya grayson bigla syang bumalikwas kung kanina ay nakadapa sya ay ngayon nag kapalit na sila nang pwesto ni kuya drake !
Si kuya drake naman ngayon ang nasa ilalim habang hawak ni kuya grayson ang isang braso nya
"Wiiw"napasipol na lang si kuya jeyfred sa ginawa ni kuya grayson
Akmang sisipain na ni kuya drake mula sa gilid si kuya grayson ay agad sya nitong binitawan at tumalon papalayo kay kuya drake , tumayo naman agad si kuya drake habang pinapatunog at pinapaikot ang leeg at braso.
Tska pumorma nang makikipag laban ulit
Hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa kanilang dalawa kahit na anong gawin nang kalaban nila ay nagagawan parin nilang lusutan
BINABASA MO ANG
Ms.Nerd Turns Into A Gangster PRINCESS
ActionTahimik Lang Ang Buhay Ko Noon Pero Isang Araw Nalaman Ko Na Lang Na Gangster Pala Ang Ate Ko Ang Tamik At Simula Noon Ang Tahimik At Boring Kong Buhay Ay Nag Karoon Ng Buhay At Adventure Ms.Nerd turns into a gangster PRINCESS