Mikee Pov
Days have passed and i still broken... My heart is still broken! Gabi gabi iniiyakan ko si nathan. Bwisit na yan ang hirap mag move on! Bakit kasi sya pa yung lalaking minahal ko? Ang sakit kasi eh ang sakit sakit lalo na pag nakikita kong mag kasama yung bestfriend at ex ko! Hmmm ngayong nangyari sakin to mas napaniwala ko lang yung sarili ko na wala talagang happy break up kasi ako nga di nman happy yung naging break up nmin ni nathan eh dahil super sad super hurt break up... Nakakatawang isipin na sa aming dalawa ako lang yung nag mahal at nag pakaseryoso tingin ko sa sarili ko isa akong malaking TANGA... Kasi nagpakatanga lang pala ako sakanya sineryoso ko sya at minahal nang sobra pero anong napala ko? Wala isang malaking wala! 😢
"Hey best mikee nakikinig kaba sa sinasabe ko?" Narinig ko na lang bigla ang boses na yan habang nakatunganga ako
"Ha? Ano nga ba yun best cathy?" Tanong ko tsaka umayos nang upo
"Wala sabi ko na nga di ka nakikinig... Kasi nman eh naka tunganga ka na nman haynako" sabi nya tsaka nag pout
"Haynako pag pasensyahan mo na ganto talaga pag broken" sabi ko
"Hmmm best mikee nman eh pag nalulungkot ka nalulungkot rin ako kaya pls move on?" Cathy
"Nako move on? Hahah best Cathy madali lang para sayo ang sabihin na mag move on ako kasi di nman ikaw yung nasaktan, naloko at nahirapan" sabi ko
"Hahahah ano yun hugot?" Tanong nya
"Well yah hahah tamang hugot lang alam mo na broken eh" sabi ko
"Hmmm okay balik na ako sa upuan ko ah baka pagalitan ako ni teacher pag nakita nyang lumipat lang ako nang upuan para makipag daldalan sayo" sabi nya tsaka tumayo na at umupo sa totoo nyang upuan.. Napailing iling nalang tuloy ako
"Good morning ma'am " bati namin nang mga classmates ko nung dumating na yung teacher nmin
"Good morning" bati rin ni ma'am atsaka umupo na
Then ayun nag start na yung klase nmin... Bored na bored tuloy ako dahil sa subject hahah after nang tatlong subjects break time na nmin kaya pumunta muna kami ni best cathy sa canteen
(Canteen)
"Ahem... Mi-mikee pinapa bigay ni reese" rinig kong sabi nang isang boses babae na nasa likod ko habang kumakain ako nang pancit
"Ha? Si reese?" Tanong ni best cathy
"Ah oo ito oh"
sabi nung babae tsaka may inabot na box kaya kinuha ko na"Ah bakit ba pinapabigay tong box na to? Importanteng mahalaga ba yung laman nito?" Tanong ko
"Ahm basta sabi ni reese ibigay ko sayo... Una na ako" sabi nya
"Cge salamat nalang" ani best cathy kaya umalis na yung babae
"Dali buksan mo na" Cathy
"Ayaw ko galing yan kay reese eh baka pag seselosin nya lang ako malay mo mga sweet pictures nila yan nang ex ko no!" Bitter na sabi ko
"Uhuy! Huwag kang ganyan tingin mo magagawa ni reese yun sayo? Kaibigan parin nman natin sya diba?"Cathy
"Eh syempre kahit di ko sya pinapansin kaibigan parin tingin ko sakanya" sabi ko
"Eh ayun nman pala eh tsaka best alam ko nman na hindi gagawin ni reese yun sayo... Ang bait kaya nya saatin... Sige matanong ko nga galit ka ba kay reese? " Cathy
BINABASA MO ANG
Happy Break Up ✌
Novela JuvenilNarinig nyo na ba ang salitang HAPPY BREAK UP??? well ako kasi narinig ko na yan pero para saakin its not true! Seriously? Happy break up??? Pano nila nagagawang masabi yan? Para saakin walang happy break up! Ano yun nag break na nga happy pa? Hayna...