Ayu's POV
"Hoooyy! Bumangon kana!" Sigaw ni Kuya Tyrone, bakit ba nandito tong lalaking toh?!
"Princess! First day of school! Now get up!" Sabi nya at hinila yung kumot ko..
Kinuha ko yung dagger ko sa ilalim ng unan ko at itinutok sakanya..
"Ang ingay mo! Natutulog ako eh!" Sabi ko at binaba yung dagger ko
"Ano ka ba! Malalate kana oh!" Sabi nya sabay turo sa digital clock ko..
Sh*t! 6:40 na?! Mabilis akong naligo at nagbihis, malalate na kasi ako kinuha ko yung gamit ko at bumaba na.. 7:15 na!
Pagkababa ko, kumakain si Kuya Tyrone, bahay nya ba to?!
"Oh anak, hindi ka magbrebreakfast?" Tanong ni Mommy
"Malalate na po ako eh" sabi ko, tapos parang nagtataka si Mommy
"Oh anak, aga mo ngayon ah, excited? 6:30 palang ah" sabi ni Daddy.. 6:30?!
"Huh?! But yung sa orasan ko 7:15 na?!" Sabi ko, narinig ko namang tumatawa si Kuya Tyrone.. tss..
"Kuya!!! Yari ka sakin mamaya!" Sigaw ko at tumawa nanaman sya
"Come on, kumain na tayo" sabi ni Daddy habang tumatawa
Kumain kami, umalis ako i mean kami ni Kuya ng mga 7:00, tapos nalaman ko na 8:00 am pa pala yung start ng classes! Masasapak ko talaga yung lalaking yun eh! Sabi ba naman sakin kahapon, 7:30 daw yung umpisa! Tss.. yari talaga sakin yun mamaya
^school^
"First!" Sigaw sakin ni Kylie, habang tumatakbo papalapit sakin, nakasunod naman sila Sab, Zoe, at Kei sa kanya
"Ky, (Kai) bawal natin syang tawaging first, alam mo na" sabi ni Sab pagkalapit sakin
"Ay! Oo nga pala noh" sabi ni Ky sabay kamot sa ulo hahaha namiss ko sila
"Waaah! I miss you!" Sigaw ko sakanila sabay akap
"Namiss ka rin namin! Ang tagal mong nawala!" Sabi ni Zoe
"Oo nga" sabi ni Kei sabay pout ang cuteee!
"Ayu!! Hindi kana aalis diba?" Tanong ni Sab at tumango ako
"Yehey!" Sigaw nilang apat haha namiss ko talaga yung kakulitan nila..
Ayos noh, sa ugali namin parang hindi kami mga gangster hahaha ang kukulit kasi namin, hahaha pero wag nyo kaming masubukang kalabanin, kundi yari ka samin hahahaha
"Guys, tawag tayo nila Zion, punta daw tayo sa Private Room" sabi ni Sab
"Kayo na ni Zion noh?" Tanong ko
"H-ha? H-hindi ah" sabi nya, hahaha nauutal ibig sabihin, sila na nga hahaha
"Zoe... sila na ba?" Bulong ko, nasa likuran kasi kami ni Zoe tapos nauuna sila
"Hindi ko rin alam eh... pero tinanong ko si Zion, nililigawan palang daw nya si Sab.." bulong rin nya sakin
"Talaga?! Ni-- asdfghjkl" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng takpan ni Zoe yung bibig ko
"Shh.. wag kang maingay.." sabi nya at tumango ako
"Kyaah... kinikilig ako.." bulong ko at umarte na kinikilig hahaha
Nagtawan lang kami hanggang sa makapasok na kami sa private room
^private room^
"Welcome Back, Princess!" Sigaw nung buong Death Rebellion Gang haha
"Thank youuuu!" Sigaw ko sakanila
"Group Hug!" Sigaw ni Kuya Tyrone at nag group hug kami, nakakamiss sila hahaha
Umupo kami sa sofa at nag usap usap ng kung ano ano hahaha ang dami kong namissed na moments with them, naiinggit tuloy ako.. huhuhu
"Uy, Ayu, aga mo daw gumayak kanina ah" sabi ni Darryl
"Eh kasi si Kuya Tyrone! Iniba yung oras sa orasan ko! Ang aga ko tuloy nagising!" Sabi ko at tumawa sila
"What's funny?!" Tanong ko at tumawa nanaman sila
"Argh!" Sabi ko at pumunta sa kitchen, nauuhaw ako..
Habang papunta ako sa kitchen, nakaamoy ako ng cupcakes..
*ting* rinig kong tunog ng oven
Kyaah! May nagbabake nga! Pero sino.. walang marunong magluto samin eh, pwera nalang kay Kuya Tyrone, pero nandun si Kuya eh..
Tiningnan ko kung sino yun, hmmm..
Waah! Ang sarap ng cupcake! Red Velvet yung flavor! My favorite! Kumuha ako ng isa at kinain..
"Waaaahhh!" Sigaw ko, napaka sarap nung cupcake! *o*
"First, anong nangyari?!" Sabi ni Darryl
"Princess! Bakit ka sumisigaw!" Sabi ni Kuya Tyrone
Nakita ko silang lahat na nasa kitchen
"Huh? Bakit ganyan kayo?" Sabi ko
"Eh bakit ka ba sumisigaw?" Tanong ni Dewlon
"Eehh.. ang sarap nung Red Velvet Cupcake eh.." sabi ko, at tumawa ako, kasi masyadong silang OA hahahaha
"Aish! Ayu naman! Kala ko kung ano na nangyari sayo!" Sabi ni Dewlon hahaha
"Oh, bakit nandito kayong lahat? Hindi pa ako tapos magbake, gutom na ba kayo? Hindi ba kayo nag breakfast?" Tanong nung lalaki sa likod ko
"Sino ka?" Tanong ko
BINABASA MO ANG
The Gangster's Princess
Ficção AdolescenteAno ang mangyayari kung ang isang gangster ay ma inlove sa hindi gangster? At ang masama pa ay pwedeng mapahamak ang buhay ng kanyang minamahal dahil sa kanilang pagmamahalan.. Sila kaya ang magkakatuluyan sa huli.. If you want to know... Read my st...