Part 3 - WTF?!

7.5K 252 13
                                    

Astrid's POV:

"Uwi na ako, late na kasi eh." Sabi ko kanila mich at jojo. Galing kami sa isang club. Marunong din naman akong mag party no.

"Sige, hatid na kita." Offer ni Jojo.

"Hindi okay lang. Mag ta-taxi nalang ako." I said.

"Ay hindi! Delikado Astrid, gabi na." Sabi naman ni Mich.

"C'mon, kaya ko sarili ko no."

"Sure ka ba talaga?" Tanong pa ni Jojo.

"Oo nga. Sige na, bye!"

Kumaway pa ako sa kanila bago tuluyang umalis. Syempre takot din ako umuwi mag isa, pero nakakahiya namang mag pahatid pa, wala naman sigurong masamang mangyayari sken.

Nag hihintay ako sa isang tabi ng masasakyan ng may nakita ako isang babae sa di kalayuan.

Nag aaway ata yung mag jowa. Hindi ko kita ang mukha nila kasi medyo malayo sken, at madilim pa.

Nagulat ako ng biglang sipain nung babae sa mukha yung lalaki. Solid!

"Grabe naman si ate magalit sa boyfriend niya."

Nagulat ako ng lumabas ang tatlo pang lalaki mula sa van sa tapat nila, at pilit na hinihigit yung babae.

"Shit! Kidnap na ata yun!" Nag papanic ako, pero di ko alam ang gagawin. Gusto kong tumulong pero, anong magagawa ko. Di na ako nakapag isip ng maayos, sumugod nalang ako.

Napansin ko ang paglalabas ng isang lalaki ng kutsilyo. Wala sa loob kong humarang, pero napabilis ata lakad ko, saktong tapat ko sa lalaking may kutsilyo.

"Ah!!" Mahinang ungol ko. Sumakto ata ako.

Tumingin ako sa may tiyan ko, shit dugo!!!

Nakahawak naman yung babaeng unexpectedly na-save ko. Nakinig ko lang itong sumisigaw para humingi ng tulong bago ako hinimatay, pero nakinig ko pa ang siren ng mga pulis.

___________________________

"Nasaan ako?" Pag mulat ko kasi nasa isang kwarto ako na kulay puti. Malamig kasi may aircon.

"Nasa hospital ka, stupid ka ba?" Sabi ng babae sa tabi ko.

Tsaka ko lang nakita ang babaeng kung hindi ako nagkakamali ayon sa hubog ng katawan niya ay ang babaeng nailigtas ko.

"Ang tagal mong gumising, hindi tuloy ako makaalis."

Bigla akong nainis sa walang utang na loob na babaeng ito.

"What?! Ikaw pa galit? Ikaw na nga tong niligtas ko!"

Umirap ito. "Sinabi ko bang humarang ka? Marunong akong sumalag."

Aba at talagang ang yabang nito! Pero infairness, medyo nabwisit lang ako agad kaya di ko agad napansin kung gaano pala kaganda ang babaeng kaaway ko ngayon. Nakasuot siya ng mahabang polo na medyo above the knee, silag to kaya kita yung puting shorts sa loob, mukhang mayaman, kaya nakikidnap.

"Grabe ha! Hindi ka manlang mag pasalamat lang!"

"Ako na nagbayad ng hospital bills mo, ano pa bang gusto mo? Pera?"

"Aba at! Iniinsulto mo ba ako?!"

Hindi ito nag salita. But she looks familliar.

"Gaano na ba ako katagal dito? Siguradong hinahanap na ako ng mama ko."

"Your mom was here kanina, so alam na niya.  I just waited for you to wake up, iaabot ko lang yung pera, para wala ka namang masabi."

"Hindi ko kailangan ng pera mo." Tanggi ko sa tseke na inaabot sa akin.

I'm Inlove with a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon