Pagmulat ng aking mata na sa Ospital na pala ako. Nakahiga sa isang tahimik na lugar at punong puno ito ng mga bulaklak at prutas.
Anong oras na? Anong araw na? Yan ang mga tanong na pumasok sa isip ko. Nakita ko ang mommy ko naka tulog sa gilid ng kama ko at nakaupo. Si daddy naka higa sa sofa. Si Louisa lang gising. "Mama!" sigaw ni Louisa. Napagising si Mommy. "Isa bakit?"
"Si ate!" napatingin saakin si Mommy. "Sophia anak ko" niyakap niya ako. "Rolan! Si Sophia!" ang daddy nataranta bigla. "Ano nangyari."
"Dad" napahinto siya at ngumiti. Tumabi siya kay mommy. Napapaluha nalang si Daddy. "Anak kamusta." ngumiti nalang ako. "Wag ka na magpapagod lalo na bago na ang puso mo."
"Sino po ang mababait na tao ang nag donate ng puso?"
"Hindi pa namin kilala. Pero gusto nila makita ka. Sabi ng doctor namatay daw ang may ari ng puso na yan. Namatay sa accidente naisip nilang idonate ang puso ng anak nila."
"Kelan tayo aalis ng ospital?"
"Hindi ko pa alam. Siguro Rolan tawagin mo na ang nurse para malaman niya na gising na si Sophia." umalis si daddy. Si Louisa naman nakatayo sa may paanan ng kama, naka palumbaba at tahimik. "Hi Isay." sabi ko sakanya. Pag nagaalala si Isay laging tahimik at walang imik. Siguro ayaw lang niya mapadagdag sa intindihin pag may problema.
Dumating na si Nurse na may dalang mga gamit. Maganda si nurse, balingkinitan, morena, at katamtaman ang tangkad.
"Hello po, check ko lang po kung okay na po siya." tinig nan niya yung pulso ko, yung dextros at marami pang iba. "Mukhang maayos na siya. Tatawagan ko nalang po si doc para malaman na gising na siya." umalis si nurse kasama ang kanyang gamit.
"Dumating na ba sina Hiedi?"
"Lagi naman sila bumibisita. Si Hiedi lagi kang kinakakausap. Mamaya pupunta sila."
"Lagi? Anong araw na po ba."
"Saturday ngayon." sabi ni Mommy habang inaayos ang kumot ko. "Matutulog na po ako ulit, pag dumating sila pakigising nalang po ako."
"okay." Inayos ni mommy ang kumot ko at pinatulog na ako.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Lalabas na ako sa Ospital. Gusto daw ako makita ng mga donors. Una ayaw ko kasi kabado ako, pero para sa pasasalamat pumayag na din ako."Ma ok na po ba lahat.""Okay na yung release paper nalang ang kulang." naka upo ako sa kama ko habang naghihintay. Katabi ko si Hiedi habang nakaupo. "Kamusta ang mga kailangan sa prom?" tumawa nalang siya. "Ikaw nalang ang kulang."
Isang buwan nalang at malapit na ang prom. "Salamat Hiedi at tinulungan mo ako plano."
"Welcome, wag kang masyadong mapagod at mastress."
"Yes po."
"Makabalik ka na ba?"
"matagal pa ako makakabalik Hiedi pero promise makakaatend ako ng prom." dumating ang iba kong kaibigan. "Hey Sophie!" Sabi ni Tristan. "Hey"
Dumating na si Daddy dala ang mga papel. "Nakabihis na ba kayo?"
"Yes po." Bumaba na si Hiedi sa kama niya. Tapos si Tristan inalalayan ako pababa. "Thank you."
BINABASA MO ANG
I Love You. But, Good Bye
RomanceThis book is in Filipino. Si Sophia Santa Ana ay may sakit sa puso nung bata palang siya. Isang araw bumigay ang puso niya at kailangan na niyang mag pa opera at mag patransplant ng puso. Dahil dito nakilala niya si Marcus. Si Marcus ay dating boyfr...