2: Poge nemen

12 1 0
                                    

Cristina.

Ayun sinundan ko nalang siya, tapos ay nakarating na kami sa may pagawaan ng cellphone.

"Oh, ayan na, sige una nako," sabi niya.

Tumungo nalang ako, tapos naglakad na siya palayo.

Di nako nagpasalamat, tutal sinabihan niya naman ako na magpagawa ng muka, tsaka di ko naman hingi ang tulong niya no? Tsk

~~~~~

Pinaayos ko na muna ang cellphone ko, tapos habang naghihintay ay naisipan ko muna kumain.

Maghahanap nalang ako ng murang makakainan dito sa mall, ang mahal mg pagawa eh, 5k.

Haist, wala ng natitira sa pera ko eh. Antanga tanga mo talaga cristina, yan, swimming pa,

Sabagay di ko namn kasalanan yun, may tumulak sakin eh.

Nagpunta akong foodcourt, dun lang naman may mga murang foods eh,

Nagtingin tingin ako sa bawat stall, ano kaya ang pwedeng kainin?

May fishball, may pizza, may siopao, may californie maki, may calamari, at iba't ibang mga snacks,

Kahit pala sa malalaking malls may mga streetfoods.

Pero sa dami ng pagkain ay isa lang ang napansin ko, yung noodles.

"WHOAA, Ano tawag niyo sa noodles na to? Bat walang sabaw? Mukang masarap!" Tanong ko sa tindera.

Tinignan niya naman ako ng masama.

"Fried noodles po," aniya

"Ahhhhh ganun ba? Magkano naman?"

Nakasimangot nanaman siya, bakit ba laging gnyan ang mga tao sakin? Porque ba pangit ako?

"Tignan mo nalang diyan may presyo namn diyan diba?" Naiirita niyang sagot.

"Ahh okay, " nalang ang nasabi ko sa kanya.

Uhhhmmm, pag chicken flavor P56, beef P87, pag pork P76.

Yung Pork nalang.

"Uhhmm ate, isang pork." Sabi ko.

Di siya nagsalita, pero hinanda na niya yung noodles.

Sungit naman nento, parehas lang naman kaming panget, lamang lang naman siya ng tatlong ligo sakin.

Naghintay hintay lang ako saglit hanggang sa maluto, nagbayad nako at umupo sa may foodcourt.

Uhhhhmmmm mukang masarap. At yung amoy, UHHHHMMMM!

Pero, siguro di masyadong masarap to, walang pagmamahal ang nagluto eh, may lason pa nga ata.

Pero hayaan mo na, gutom nako eh.

Unang kagat sabi na nga, di gaanong masarap, pagtiyatiyagaan ko nalang, eh sa gutom nako eh.

Pagtapos ay naglakad lakad muna ko dito sa may mall.

Malaki din to kahit papaano ah.

Ang boring naman, jusme.

Wala kong magagawa, sira cp ko, at siguro mga 5 hours pa bago ko makuha. Tssssss bwiset talaga. 0o0

Napagod nako kaya umopo muna ko sa may bench, ayoko naman mag window shopping, eh baka maglaway lang ako no? Wala kaya kong pera na masyado.

Ang boring naman.

~~~~~~

*sigh* nakatulog pala ako dito sa mall? Anong oras?

She's My Pretty Girl (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon