Red's POV
April Fools nanaman. Typical posts ng mga nagsa-Status eh Im pregnant with picture pa. Minsan ipopost pa yung conversation nila ng nanay nila na May nabuntis daw sila at sasakyan naman ng mudra nila na ampon siyang anak or kung ano ano pa. Ibat ibang klase ang mga Facebook status ng mga tao pag April Fools. Ako naman, yun parin. Single and Ready to Mingle.
Ako si Red, grade 11 this school year 2016, na 2nd year college na dapat ngayon. Kaso hindi parin mag ggrade 11. Dahil aalis na nga kami. Papunta ng California. Duon na kami titira at magpapatuloy ng school kasama ang mga siblings ko at mommy ko.
May boyfriend din ako, si Amiel. 3rd year college na sya ngayon. Na dapat graduate naman na ng college. Because of financial problems ayun, no choice kundi ang magsikap mag aral. He's smart, loving and most of all kind. Marespeto sa parents. Yun nga lang when it comes to having girlfriends, Never expect anything from him. Di sya maeffort. Long distance relationship kasi kami pero tiis tiis. Kaso nagsawa na ko, sa kakahintay, kaka expect na may magagawa syang something special. May mga nagagawa sya, na aappreciate ko naman kaso parang may laging kulang.Ungrateful na kung ungrateful kung tawagin nya. Pero alam nya mga gusto ko. Ako tong typical boyfriend ang hanap. Matangkad, maputi, chinito, hot, matalino, mabait, maalaga, mapagmahal. Perfect na ata yan kung baga.
Checklist kay Amiel:
◻ Matangkad
✔ Maputi
✔Chinito
✖✔ Hot (pwede na)
✔Matalino (ay sobra)
✔Mabait (oo nako kahit kanino kaya madalas nauuto)
✔ Maalaga (ay oo naman, tipong iccomfort ka kapag galit sayo nanay mo, pag may masakit sayo talagang gagawa sya ng way para mawala yung sakit.
✔Mapagmahal (sobra na ata sa pagmamahal kaya laging naiiwan o pinagsasawaan. O sa mga ginagawa lang?
◻PerfectHindi naman sa naghahanap ako ng lalaking perfect. Gusto ko lang naman yung tipong mapapasaya ako without me even asking for something. Without us getting into fights dahil di nya nagagawa yung mga bagay na gusto ko - mga bagay na nagagawa ng typical boyfriend. 2years na kami pero we never went out on dates nung monthsaries namin or anniversaries. Nakakatampo sobra. Mas may time pa sya sa pag hang out nya kasama barkada nya na mag swimming, uminom, magpunta ng Open parties. Once lang kami lumabas na special day yun ay Valentines.
First valentines namin nun na ineexpect ko na kaming dalawa lang na manunuod ng movie sa cinema, magdi dinner together somewhere nice, kahit hindi fancy. Pero hindi, sa Restobar nya ko dinala kasama ang friends namin. Ayun uminom lang sila habang ako nganga. Wala man lang drink na binili sakin. Nung nagutom ako saka ako nagyaya na lumabas sa restobar, gustuhin ko man na sana sa somewhere sweet.. Pero sa Carinderia lang kami kumain na ang ulam Hotdog,burger steak at additional order na Pancit Canton. Pagkatapos namin kumain bumalik kami sa bar na katapat lang nito kung nasan ang friends namin at ayun, back to normal. Inom duon, inom dito.
Hindi na ko umiinom, parang nandiri kasi ako sa lasa ng alak. Hindi alam ng mommy ko na nasa Restobar kami ang alam eh nasa KTV bar kami having fun with friends pero sya lang naman ang masaya na nasa restobar kami. Dahil ako naka nganga lang.
I appreciated the flowers he gave me and the pillow na nasa stick na may naka sulat na Happy Valentines na galing dun sa Restobar, and plus my Favorite Chocolate - Ferrero Rocher. Yun nga lang hindi ako nag enjoy.
Sana ipinadala nya na lang sa bahay namin yung mga yun. Edi sana hindi ako nakatulala nung mismong Valentines na yun.
Madaling araw na kaming nakauwi nun, pero pag dating namin sa bahay namin eh hindi kami pinagbubuksan ng parents ko kaya natulog kami sa labas kaso sa sobrang lamok at init, nag stay kami sa Apartelle at duon natulog.
Alam kong hindi lang tulog ang iisipin nyo kundi may sex din. Yes we did it. We had sex. We made love. Oo, LOVE kasi nung mga panahon na yun eh mahal na mahal ko pa sya. Sabihin na nating bata pa ako para dun, pero ako lang ba teenager na nakipag sex na? Hindi naman siguro diba?
Let's drop the topic na.
So habang tumatagal eh nagsasawa na ko sakanya dahil sa pagpapaiyak nya sakin, with matching "Paawa ka" pa. Masakit sobra. Imbis na icomfort ka nalang eh sasabihan ka pa na nagpapaawa.
Ang reason lang naman kung bat ako umiiyak eh dahil nagseselos ako at hindi nya maiwasan yung mga babaeng alam kong linalandi sya. Pagod narin akong mag effort na magbigay sakanya ng monthsary gifts nang walang bumabalik kahit date sa mcdo sapat na sakin. Pero wala. Happy monthsary and I love you lang ang meron sya na magkatabi kami sa iisang kama sa bahay namin for 3days and 2nights. Parang puro sex lang ang gusto nya kaya isa yun sa reason kaya ayoko na at nagsasawa ako. Parang sex lang kasi ang nagpapawork ng long distance relationship namin eh.Ginagawa ko na lahat ng paraan para iwan nya ko kasi mahal ko naman kasi sya at hindi ko kayang iwan sya. Yun nga lang pagod na ko at sawa na ko na ganito nalang kami parati.
Ilang beses na kami nagbreak. At ito ako nagiisip nanaman ng bagong way para magbreak na kami.
Nagjoke ako sakanya itong April Fools na kunyari ay may nagtext sakanya na guy at sinasabing Girlfriend ako nito at magkasama kami uun nga lang hindi sya naniwala. Alam ko at ramdam kong mahal na mahal nya ko pero, masisisi nyo bang magsawa at umayaw na ko?