Naranasan niyo na ba yung ma-in love?Hahaha. Sorry. Ang tanga naman ng tanong ko.
Korni. Pasensya.
Hmm...
Wala lang. Natanong ko lang naman.
Siguro, karamihan naman satin, "Oo" ang sagot.
Meron namang mangilan na sasagot ng 'hindi' o 'ewan'.
Hmm, kelan nga ba natin masasabi na in love na tayo?
Wala naman kaseng magsesend satin ng notif, tulad sa social networks at sasabihing, 'uy, in love ka na sa kanya'.
Marerealize na lang natin isang araw, 'mahal ko na siya'.
Ganun. Ganun yung nangyari sakin.
Nung unang beses ko 'siya' nakita. Alam ko na. Alam ko nang magigi siyang parte ng buhay ko.
Isang mahalagang parte.
I don't know, pero yun ang naramdaman ko. I just had this gut-feeling that something's different about him.
No. It's not like what you think.
I didn't fell in love with him at first sight.
OA naman yun.
It's just when I saw him, I know he is something.
He is going to be someone in my life.
Nung unang beses ko sa bagong school na nilipatan ko. Wala akong maramdaman na kung ano.
Typical day lang ang araw na yun para sa tulad kong transferee.
Naninibago sa lahat ng nakikita.
Iba na ang uniform na isusuot ko.
Iba na yung daang tatahakin ko papunta ng paaralan.
Ibang gate na ang papasukan ko.
Ibang guard na ang babati at ngingitian ko.
Iba na ang konkretong daan na lalakaran ko.
Iba na ang mga puno at pananim na pagmamasadan ko.
Iba na ang mga silid-aralan na papasukan ko.
Iba na ang mga guro na haharapin ko.
Iba na ang mga estudyanteng makikita, makakasalamuha at makakasalubong ko.
Iba na ang ingay na maririnig ko.
Iba na ang silyang uupuan ko sa klase.
Iba na rin ang canteen na papasukan ko.
Iba na ang Ale na pagbibilhan ko.
Iba na rin ang lasa ng kakainin ko di tulad ng nakasanayan.
OO. Lahat yun, IBA NA.
At sa bawat ang araw, ang IBA na iyon, ay ang dapat ko nang MAKASANAYAN.
Sa araw-araw na pagpasok ko sa paaralan, sa araw-araw na sinasanay ko ang sarili ko sa pagbabagong iyon, unti-unti, nagiging natural na sa akin ang lahat.
Nagigi nang USUAL ang IBA na iyon.
Normal na kumbaga.
Hanggang sa tuluyan nga na naging routine na lang ang lahat para sa akin.
Kaya ayun, akala ko, OKAY NA.
SANAY NA AKO.
Wala ng 'BAGO'.
BINABASA MO ANG
When You Only Got One Shot...
Dla nastolatkówThis will just serve as a compilation of my collection of one-shot stories I created. I did plan on writing a whole book or novel type story but knowing how it takes too much time and effort, I settled for one-shots for now. Maybe when the time come...