THE STEP BROTHER'S VIEWS

2.8K 50 0
                                    

-FOUR-

Zaldy's P.O.V





21 years old ako nun, 4th year college nang magpakasal muli ang nanay ko sa isang Ladesma who appeared to be as Julien's father. Ng magsama na ang nanay ko at ang daddy ni Julien doon narin kami tumira sa bahay nila.




Isang araw dinala ni Julien sa bahay si Krizza,when I first saw her nagkainteres na agad ako sa kanya, ngunit agad ko din naman inalis ang ideyang iyon sapagkat gf ito ng stepbrother ko.







Nung isang gabing narinig kong nagtatalo ang papa ni Julien at si Julien ay doon ko na napag-alaman na may fiancey na pala si Julien at naitakda na itong maikasal dito kaya hindi na sila pwudeng mag-sama ni Krizza.






Nung kinasal na si Julien saka ko pa pinornahan si Krizza ngunit unang ligaw ko palang basted na kasi hindi raw niya ako mahal, dahil sa sobrang gusto ko siya, nakipagkasundo ako sa parents niya na mag-iinvest kami ni mama ng malaking pera sa kompanya nila kapag naikasal sa akin si Krizza, dahil sa mayaman kami ni mama, naisakatuparan naman iyong gusto ko.




Kinasal nga kami, isang beses lang may nangyari sa amin ni Krizza at hindi na iyon nasundan pa, 2 years na kaming kasal. At iyong nga ang kwento.







"oH... same as mine" sabi nito sa akin matapos kong magkwento. Nakatingin parin ako sa kanya, binaling nito ang tingin sa bakuran. Kaya ngayon natitigan kong mabuti ang kabuuan nito.







May katangkaran ang asawa ni Julien, maganda ang hubog ng katawan, medyo light morena, at mahaba ang buhok nito na lagpas balikat. Kahit naka ponytail iyon alam kong malambot ang buhok nito.





Medyo may kasingkitan ang mga mata niya na pinapamulatian ng mahahaba at makukurbang eyelashes, makinis ang mukha nito, at saka medyo pinkish ang cheeks, may katangusan din ang ilong niya, yung labi naman niya pinkish, yung mga mata niya kulay tsokolate, maganda siya mas maganda siya kesa sa asawa ko.





Kahit madilim, dahil sa liwanag ng buwan malinaw kong nasusuri ang kabuuan nito.





Napaka hot tingnan ng babaeng ito, wala siyang kaede-edeya na maaring makapang akit siya ng lalaki ng hindi niya inaasahan.



Nilingon niya ako.

"Ikaw, bakit hindi kita nakita noon sa kasal ko?" tanong nito sa akin.




"nagkita na tayo, nakalimutan mo lang siguro"



"siguro nga, tatlong taon narin ang nakalilipas, baka nakalimutan ko na" sabi nito.



"siguro nga" maging ako hindi ko na nga maalala kung anong itsura niya noon, pero sigurado ako hindi naman siya ganito kaganda.





I could say malaking pinagbago niya sa loob ng tatlong taon hindi ko inasahan na magiging ganyan siya, yun bang tipong nakakaakit pero wala siyang ka ede-edeyang nang-aakit na.







Ganun."alam mo bang maganda ka?" sabi ko rito. Para hindi mahalatang medyo kinakabahan ako sa sinabi ko, binaling ko ang tingin ko sa bakuran.





"talaga? Pero hindi naman iyong nakikita ng asawa ko" malungkot na sagot nito.






Nilingon ko siya, malungkot ang mga mata nito to cheer her up ito nalang sinabi ko " alam mo your like an innocent seducer, mukha kang nang-aakit pero wala kang ideya na nakakaakit ka pala"





"talaga?" sabi nito na mukhang na cheer up ko naman. " sana tumalab yan sa asawa ko."



"huwag kang mainip darating din iyan." Sabi ko. Nginitian niya lang ako.




"sige, pasok nako palalim na kasi ang gabi. " Sabi nito, tinanguan ko lang siya at sinundan nalang ito ng tingin hanggang sa mawala na ang bulto nito sa paningin ko.





"kakaibang babae" sabi ko habang napapangiti pa.

**

Please do vote!!!
To ve continue...

CLANDESTINE LOVE AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon