Komunikasyon sa Filipino

7.2K 3 1
                                    

INTERAKTIBONG PAHINA SA FILIPINO
LA CONSOLACION COLLEGE - BINAN CAMPUS

komunikasyon 101


Kahulugan

Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)


Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at pasulat. (Tanawan, et al., 2004)

Katangian

Ang komunikasyon ay isang proseso· Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.

· Decoding - ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.

Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko· Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso.

Ang komunikasyon ay komplikado· Ito ay dahil sa : persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa kausap, iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.

Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala at natatanggap sa komunikasyon· Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.

Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon· Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe.

Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon· Relasyunal - di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap

· Panlinggwistika - pasalita, gamit ang wika

Sangkap at Proseso

Nagpapadala ng mensahe/sender· Tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.

Mensahe· Dalawang uri ng mensahe

- mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika

- mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal

Daluyan/Tsanel· Kategorya ng daluyan

- daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama

- daluyang institusyunal - mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile phone.

Tagatanggap ng Mensahe· Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng kanyang natanggap.

Tugon· Tatlong uri

- tuwirang tugon

- di-tuwirang tugon

- naantalang tugon

Mga potensyal na sagabal· Ito ang mga dahilan kung minsan ng hindi pagkakaunawaan.

- semantikong sagabal

- pisikal na sagabal

- pisyolohikal

- saykolohikal

Antas ng Komunikasyon

Intrapersonal - komunikasyong pansariliInterpersonal - nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang mga tao, o sa isang tao at isang maliit na pangkatPampubliko - nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinigPangmasa o Pangmadla - nagaganap sa pagitan ng malawakang media, tulad ng radio, TV, Internet, pahayagan, atbp.Pang-organisasyon - organisado at nakatutok sa isang hangarin o adhikain.Pangkaunlaran - aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinag-uusapan sa antas na ito.Pangkaunlaran - naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa
Modelo ng Komunikasyon
Modelo ni Berlo· Pinanggalingan

Komunikasyon Sa Akademikong FilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon