HomeTalumpatiNobelaOratoricalMga BuodDeclamationScriptPoemsIba-Iba
Antas ng Wika
Posted by Bokals on Saturday, August 28, 2010
Labels: Wika
Antas ng Wika
1. formal at di-formal - di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
2. lingua franca - wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao
3. lalawiganin - mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'
5. balbal o pangkalye - wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla - halimbawa ang mga salitang 'eklavush', 'erpat at ermat' at 'cheverloo'.
6. edukado/malalim - wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal
Ang wika ay nahahati sa iba't ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila
para sa paaralan at pamahalaan
Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan
Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.
Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,