"Ikaw kasi eh"
"Onga niloko mo kasi eh"
"Ang manhid kasi eh"
Kanina pa sila sa 'kasi eh' na yan kung makapanisi naman tong mga to, kala mo ako yung nakaisip ng idea na toNapawalk out tuloy ang lola niyo,
Makapag'mall nga,
Naiistress ako 'toblerone kailangan kita ngayon'
Teka parang si Ethan yun ah? Sa jewelry shop? BAKLA ata yun eh tsk.
Sino naman yung kasama niya? First time ko syang nakitang tumawa.
Bat parang ansaya ata nila?
Ganun na lang ba yun?
Bat andami kong tanong? Parang nahihirapan akong huminga, may asthma pa ata ako
Napatalikod ako ng nakita niya ko.
"AAAAAHHHHHHHHH" sigaw ko, nandito ako sa rooftop ng mall. Oo may rooftop siya wag masyado matanongUmupo ako sa Grills. I'm not afraid to die
"Ganyan nga miss, lakasan mo pa para marinig ng buong mundo ang kagwapuhan ko"Tiningnan ko siya ng masama, Tristan ang pangalan ng unggoy na yan Model daw siya dito sa mall, kanina pa sunod ng sunod yan
"Ang kapal ng mukha mo" mahinhin kong pahayag
"Sa gwapo kong to?" nagpogi sign pa siya
"Pwede ba wag kang magpapogi dyan, Ganyan kayong mga lalaki mga Pa'fall" bitter kong sabi kaya natawa siya at umupo siya sa tabi ko kaya nagkadikit mga braso namin, Napakislot ako at umisod ng kontiI hate skinship
"Alam ko, so tell me Ano ba ang problema mo?" Nagulat ako sa pagiging seryoso niya, Mood Swings tsk"You can trust me" Napatawa naman ako sa sinabi niya
"Trust? Hah! Alam mo bang may trust issues ako? Kaya kong ayaw mong lumipad papuntang planet yekok umalis ka na dito"
"Andami mo pang sinasabi KUNG AYAW MO DI WAG DI KITA PINIPILIT" sigaw niya, paiba-iba siya ng mood pansin niyo? Natawa tuloy ako
"Pffft. Gagi Hahahahahaha God, mamatay na ata ako"
"O kita mo mamatay ka na tawang tawa ka pa, Ang creepy mo miss pramis" inirapan niya koMagagalit na sana ako but yung irap beh One word ambakla
"Hahahahahaha jusme. Hali ka nga dito, Libre mo ko dahil simula ngayon friends na tayo" Inakbayan ko siya ng makababa ako"Friends lang?" Bulong niya pero rinig ko naman, baka juk niya lang diba?
(Andrea's POV)
Naupo na kaming lahat sa isang lamesang ubod ng gulo
"Wala pa rin siya, Adi?" tanong ni kuya nate sakin
Napalunok naman ako"Pauwi na daw kuya natraffic lang" nakayuko kong sagot
Naku paktay kami nito, kanina pa kasi namin tinatawagan si bessy di naman nasagot
'Babaita asan kana?' I send it to her Like Hello? Gabi na kaya.
"Girl inaantok na talaga me, masakit na stomach ko, pag me nagka'hyper acidity" Desi, nalang para kay Destiny sabay-sabay kasi kaming nagdidiner kaya alam na
Ang mga mababait naming magulang? Aba nagtra'travel around the world
"Wag ka ngang maarte.Pwede ka namang uminom ng charcoal cap. mamaya" umarte naman siyang nasusuka. Ang kitid talaga ng utak nito, di niya kasi alam na Charcoal Powder can heal a 70 or more types of disease? Di kasi nagbabasa ng libro
"Arte mo talaga. Di mo ba alam na ang mahal nun?" She rolled her eyes
"Wala namang mura eh, bat kasi may tax tax pa ang pilipinas eh"
"Kailangan ang tax na sinasabi mo binibini upang makalikom ng pondo ang pamahalaan para sa proyektong napag'uukulan dito, kaya wag mong questionin ang mga pamamalakad ng pamahalaan" walang prenong sabi ni Kaye
Chineck naming tatlo (Kuya Nate, Desi at Diyosang ako) ang mga ilong namin baka nadugo
Napatigil kaming lahat ng narinig namin ang ugong ng isang sasakyan at parang bumukas ang pintuan
"Helloooooo Mga mababait"
Sabay-sabay kaming napalingon na parang nanalo sa loto
SA WAKAS MAKAKAKAIN RIN