Gabi na nang makauwi ako. Naglalakad ako sa madilim na eskinita, papunta sa bahay namin. Di naman ako mayaman, katulad ng iba nyong nababasa na may driver at sariling kotse pa.
Biglang umihip ang hangin. Nagsilaglagan ang mga tuyong dahon. Napatigil ako. Familiar feeling. Napayapos ako sa sarili ko. Geez.
Mabilis akong naglakad. Nang biglang may kung anong kumaluskos. Napatingin ako sa paligid. Nagmamasid.
"Aliyah. ."
Isang pamilyar at malamig na boses ang bumulong sa tenga ko. Nanginig ako sa takot.
"Aliyah"
"Aah! Aah!"
Ayoko. Ayoko sa kanila, mga demonyo sila!
Tumakbo ako ng tumakbo. Takot na takot.
Kaluskos! May kumakaluskos.
Luminga-linga ako sa paligid. M-may tao?Nakakatakot. Sobrang nakakatakot.
Takbo lang ako ng takbo, hanggang may nabangga ako.
Napaupo ako."Are you okay?"
Napatingin ako sa kanya."Aaaaah! Aah!"
Umatras ako. "Wag kang lalapit! Ayoko sayo! Ayoko sayo! Please! P-please. S-stop following me!!""Miss? Are you okay?"
"W-wag mo kong kunin. P-please! Wag!"
I cried. Ayoko na. Huhuhu.Nakita ko nanaman. Ang mga nanlilisik nyang mata, habang nakangiti sakin.
Nakakatakot, sobrang nakakatakot.
"Miss! Miss! Gising!"
-————