EPILOUGE

8 0 0
                                    

Nanginginig sya habang binabasa ang isang diary na napulot nya sa daan. Nanlalamig, kinakabahan.

Nilipat nya ang isang pahina pero walang nakasulat. Inilipat nya ulit ang pahina at may nakasulat na:

Kutsilyo
Krus
Lubid

Naguluhan sya.
Mas lalo syang kinabahan para sa susunod na pahina.

Inilipat nya ulit ang pahina ng diary may nakalagay na--

"Latest news! May isang babaeng natagpuang patay sa kanyang sariling kwarto. Hindi pa alam sa ngayon kung ano ang sanhi ng pagkamatay. Ngunit iniimbestigahan na!"

Natigil sya sa pagbabasa dahil sa balita sa radyo. Natakot sya lalo't wala syang kasama.

Itinuon nya ang sarili sa pagbabasa pero nagulat sya sa nakita at nabasa:

'Wag kang sasama sa kanila'

Bahid ng dugo, puro bahid ng dugo ang pahina.

Nanginig syang nabitawan ang diary.
Pero mas lalo syang natakot ng mabasa ang pahabol na salita. Hindi ito ang penmanship ng naunang mga salita.

P.S. Wag kang titingin sa pinto

Pero sa di inaasahan ay napalingon sya may pintuan ng kwarto nya.

"Gusto mong sumama?"

"AAAH! AAAH! AAAAAAAAH!!"

Isang babaeng nakabigti may hawak na krus, may kutsilyo sa tyan. At puno ng dugo.

Habang nakangisi SAYO.








END.

-----

Uwaaaaa! One shot lang yan. Hehe.
Hope you like it! Waaaa.

Shout out sa MHIAMB LAGUNA REAPERS!! LOVE YOU ALL. 😍😘

-BabyKathrynB. HAHAHA.

Don't look at the DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon