2 years ago
I met an accident ...
2 years ago
My dark days started ...
2 years ago
I'm so lonely and I can't find my happiness ...
2 years ago
I can't believe that I'm still alive ...
I wish the dark were over
How I wish to come back to the past
and change the time ...
My life was a struggle and I don't
have the strength to overcome it ...
How I wish you were here beside me.
***
~2 YEARS AGO~
Simple lang ang buhay ko at kuntento na kung anong meron ako. I was in highschool. I studied at a public school. Bilang mag-aaral, nais ko rin makatapos ng highschool para makapag college. I was happy in my school life until dumating ang love life...
May nanligaw sa akin na schoolmate ko. Actually hindi ko alam kung bakit sa dinami-daming magagandang babae sa school at ako pa ang napili niyang ligawan. Hindi naman ako maganda, medyo may kaputian lang, mahaba ang buhok at may pagka-chinita. Like what they've said, hindi lahat ng mapuputi ay maganda. At aminado ako 'don.
Ako nga pala si Sylvette at nasa 4th year highschool na ngayon. Ilang months na lang pala at ga-graduate na ako. At yung nanliligaw naman sa akin ay si Yvann. Matagal ko na rin siyang gusto, may katangkaran siya, moreno at gwapo.
Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Bukod sa magaling siya sa academics, magaling din siyang kumanta at tumugtog ng gitara kaya siguro doon ako nabighani sa kanya.
Sweet naman si Yvann pero minsan pikon. Bigla na lang siyang nagagalit kapag may kasama akong lalaki. Sinagot ko na pala si Yvann nung prom night, first boyfriend ko siya at masasabi na ring first love ko.
Sinagot ko siya hindi dahil matagal din akong may gusto sa kanya kundi, dahil mahal ko siya at tanging siya lang ang nagpapatibok ng puso ko na para bang nakikipagkarera sa sobrang bilis at siya lang din ang taong nagpapasaya sa akin ng ganito. Siya lang ang umuunawa at nangako siyang hindi niya ako iiwan at ipagpapalit sa iba.
Until one day...
After graduation, nabalitaan ko na niligawan niya lang ako dahil sa isang pustahan. Pano ko nalaman? Nakita ko siya kasama ang mga barkada niya. Nagtago ako sa isang puno at mula sa malayo rinig ko ang pinag-uusapan nila.

BINABASA MO ANG
Love is Blind
Historia Corta"My life was a struggle and I don't have the strength to overcome it... I'm still confused, can't find my way back How I wish you were beside me..."