Nandito ako ngayon sa Baler.. Field trip namin one week, oh diba? sosiyal.. Actually libre lang to sakin dahil scholar ako..
"Haaaaaay" buntong hininga ko, habang nakatingin kay Tim mula sa Modern rest house dito sa location namin...
Bukod kasi ang mga section bawat rest house... Kaklase ko si Timothy Lerion Fandella
Gwapo, varsity, sikat , mayaman at HeartThrob... Psssh imposibleng maabot siya ng manang manang manamit na tulad ko, lampa ako, pangit, laging naka messy bun tapos malaki ang salamin
Maabot kaya kita? Hindi siguro..
Nagulat ako ng tumingin siya sa direksyon ko. Agad Akong umiwas ng tingin (-///////-)
Tsaka na lang ako nagsalpak ng headset sa ulo at wari'y nagmumuni habang nakatingin sa langit
~*Flash Back*~
Hea's 7yrs old flash back
Nagpunta si Hea sa swing sa kanilang playground sa Makati, duon siya nakatira....
Dahan dahan siyang umakyat, iniugoy niya ang swing subalit di niya abot ang lupa.
Nagulat na lamang siya nang bigla siyang dahan dahan na umuugoy..
"Ako na mag-uugoy, ehe mukhang nahihirapan ka" bigla na lamang napalingon si Hea sa batang lalaki.
Di niya maaninag ang mukha nito dahil sa sinag ng araw sa likod ng batang lalaki, kaya di niya na ito pinag-aksayahan pang tignan..
"My name is Tim and you are?"
"Ahm Hea ang pangalan ko,"
"Really? What a nice name you have" nahiya naman ang batang paslit sa puri nito.
"Thank yo--"
"Hea kanina pa kita hinahanap! Dios kong Bata ka wag ka na aalis sa bahay ng walang kasama ah!?" Naputol ang pagsasalita ng dumating ang Ina ng Bata.
"O-opo di na po" muling lumingon si Hea sa likuran niya ngunit wala na ang Bata...
~*Flash Back Ends*~
Hea's POV
haaaay naalala ko na naman...
♪ Ang hirap maging babae
Kung torpe iyong lalaki
Kahit may gusto ka.. di mo masabi
Hinde ako iyong tipong nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaari
At kahit mahal kita.. wala ako magagawa
Tanggap ko oh aking sinta, pangrap lang kita
At kahit mahal kita,
Wala ako magagawa
Tanggap ko oh aking sinta, pangarap lang kita ♫♪sinabayan ko na lang yung kanta habang nakatingin sa papalubog na haring araw...
"Galing naman kumanta ng bespren ko!"
"AY SHOKLAAAA!!!" napapitlag ako sa gulat
"Hehe prend iniisip mo na naman ba siya?" tanong ni Giana, bespren ko... Maganda, Mabait, Pakipot, at hindi katalinuhan pero mayaman...
" *buntong hininga* Oo bes ee.." malungkot kong sagot sa tanong niya...
"haaaay bes...." tinatapik tapik niya balikat ko tsaka tumabi sakin
humarap naman ako sakanya
"Bes, alam mo...."
"di ko pa alam bes" sumimangot naman agad si Giana, natawa na lang ako...
sumeryoso ang mukha niya.. pag ganito siya talagang kapupulutan mo ng aral ang sasabihin niya
"Bes.......Katangahan mo bes! HOLY WATER SIYA, IKAW IMBURNAL OKEY?!? matutong tumanggap ng limitasyon 'o uupakan kita?" biiiiiiiiinabawi ko na po yung sinabi ko kaninang kapupulutan mo nang aral yung sasabihin niya thingey (-___-)v
"Bes naman... maraming TIM diyan sa tabi tabi... si Kiray! maiTIM 'o kaya yung mga TIMang jan sa tabi tabi! best mubon!" grabe si~yaaa
"Tantanan mo nga ko bes! pati si Edgar ng parokya napatigil sa pagkanta dahil sa advice mong walang kwenta ee dun ka na nga matutulog na ko! may Swimming pa tayo bukas bili!"
nag-unahan naman kami sa higaan hehe malaki siya dalwa lang kami sa kwarto..
***************
A/N: this One Shot story is Will be composed by 5 to 10 chapters okay? so patience para sa susunod na chapter.. thankiss
Pls Vote and Comment at i-follow niyo na rin kung okay lang...
BINABASA MO ANG
I Love You Since That Fateful Day [One Shot]
Novela JuvenilMaling akala is only back then... and he's here to make the situation Right again.. tsk tsk. Marami talagang namamatay sa maling akala.. pero sa story na ito puso lang ang mamamatay, mamamatay nga ba?