That Girl

4 0 0
                                    


"Good luck, bro. Sana may mukha ka pang maihaharap sa buong university pagkatapos neto." Sabay tapik ni Ken sa likod ko. Huminga ako ng malalim. Matagal ko 'tong pinaghandaan. Ilang gabi rin akong napuyat dahil sa kakaisip at kaba kung itutuloy ko pa ba 'to.

What am I supposed to do, uh oh

When she's so damn cold, like twenty below?

That girl, that girl she's such a bitch

But I tell myself I can handle it

Napatingin sa akin si Ken at Vann dahil sa ringtone ko.

"Really, bro? 'Yan ba ang theme song mo para sakanya?" Natatawang sabi ni Vann sa akin.

"Gago." Sabi ko naman sabay pakita ng kamay ko na nakafuck you bago tuluyang sagutin ang tawag.

"Malapit na siya." Rinig kong sabi ni Thad sa kabilang linya na lalong nagpalakas ng kabog sa aking dibdib. Puta. Pwede pa kayang umatras? Parang di ko kayang gawin 'to. Mukhang nabasa ni Ken ang nasa isip ko dahil hinampas niya ng malakas ang likod ko at sinabing "Tangina si Calix, oh. Ngayon pa aatras."

"Bro, ayan na siya." Rinig kong sabi ni Vann. Ngumuso lang siya sa direksyon ni Feier. Nang nakita ko siyang naglalakad palabas ng building ay parang nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sakanya. Sobra niyang ganda. Kitang kita ko kung paanong napapatitig sakanya ang mga nakakasalubong niyang mga lalaki.

Malakas akong siniko ni Ken. Tinitigan ko lang siya ng masama. Kanina pa 'to nananakit, eh.

Huminga ako ng malalim. Hinahanda ang sarili sa ano mang pwedeng mangyari. Kaya ko 'to. I can handle this. I can handle her.

Humugot pa ako ng isang malalim na hininga at isinigaw ang pangalan niya.

"Feier Gomez!" Naagaw ko ang atensyon niya pati na rin ng iba pang mga estudyante. Lahat sila ay napahinto sa paglalakad at nag-aabang ng susunod na mangyayari.

Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Feier. Unti-unti akong naglakad palapit sakanya. Narinig ko ang bulong-bulungan ng mga estudyante. Tila nagtataka sila kung ano na naman 'tong ginagawa ko. Nagtataka siguro sila kung hindi pa ba ako nadala sa mga pangpapahiya na ginawa sa akin noon ni Feier.

Limang hakbang nalang ang layo ko mula kay Feier at kitang kita ko ang lalong pagtaas ng kilay neto. Iniabot ko sakanya ang isang malaking bouquet ng red Ecuadorian roses. Tinitigan niya muna ako bago niya 'to kinuha na nagpahinga sa akin ng maluwag.

Binigyan ko ng hudyat sila Ken na gawin na ang sunod na plano. Maya maya pa ay rinig ko na ang mabibilis na takbo ng limang pulang kotse. Umalis ako sa harap ni Feier at tumabi sakanya para mabasa niya ang mensahe na nakalagay sa mga kotse.

Lalong lumakas ang bulong-bulungan ng huminto na ang mga sasakyan. Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Feier. Umasa ako na magugulat siya pero nakatingin lang siya sa mga sasakyan na parang bored na bored na.

Tumayo muli akong sa harap niya at sinabi ng malakas ang mensaheng nakalagay sa mga sasakyan.

"Feier Gomez, Can I court you?" Rinig ko ang hiyawan ng ibang mga estudyante. Nakatingin lang sa akin si Feier. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay lalabas na 'to anumang oras.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Feier. Natahimik na rin ang lahat marahil napansin din nila ang tagal ng pagsagot ng babaeng nasa harap ko.

"No. I am not one of those girls. Hindi ako katulad nila na papatol sa isang katulad mo. You are not my type." Malamig niyang sabi kasabay ng pagbalik niya sa akin ng ibinigay kong bulaklak. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo na parang walang nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Girl (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon