Author’s POV
Nung high school ako, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao kung maaga akong nag-boyfriend. Ngayong medyo tumanda na ako, kapag nakakakita ako ng mga high school na magjowa nasasabi ko nalang sa sarili ko na “Bwisit na mga bata to, ang aagang magsilandi! Alam kaya ng mga magulang nila yan? Ano nalang mangyayari sa buhay nila kung magkadisgrasyahan sila at mabuntis ng maaga?”
First love never die daw eh? Aba ewan ko! Hahaha xD Puppy Love, 1st Love, 1st Heartbreak, 1st laslas, 1st bigti hahaha joke lang =)) Sa Highschool mo lahat mararanasan yang mga yan. (Kung di ka nerdy, hahaha!)
Mga kabataan nga naman sa panahon ngayon, mapupusok. Akala yata nila mauubusan sila ng lovelife hahaha :D Pero seriously, hindi maganda sa paningin na parami na ng parami ang mga kababaihang nag-aasawa ng maaga. Hindi ko hinuhusgahan lahat ng mga nagdaan sa ganito dahil marami din akong kakilalang mabubuting tao na ganito ang kinahinatnan. Tsaka anjan na yan eh. Goodluck nalang sa future nyo. J