Chapter I
Amber's POV
“Teka Chris! Wag mo naman ako iwan ng ganito!” Humahagulgol akong humahabol sa unang lalaking minahal ko. Nag-away kasi kami dahil sa mga textmates nya, may nabasa kasi akong hindi maganda sa paningin at pandinig ko galing dun sa malanding textmate nya. “Ayoko na Amber! Sawang-sawa na ko sa kakitidan ng utak mo!” Ako pa ngayon ang mali, samantalang kitang kita ng mga mata ko kung anong mga pinag-usapan nila nung haliparot nyang textmate. “T***ina mo edi sige! Magsama kayo niyang babae mo! Tutal wala ka din naming kwenta! Wala ka na ngang trabaho, may gana ka pang mangbabae! Ang kapal ng muka mo gago!” At dun natapos ang relasyon namen ng hayup na Chris na yon.
By the way, ako nga pala si Amber Mariana Mendoza. 14 pa lang ako nung nagsama kami ni Chris kahit tutol ang mga magulang ko. Ang aga ko nga naman kasing nainlove. At the age of 13 I lost my virginity to Chris and he was 15 that time, kaya siguro sobra ko siyang minahal kasi siya ang nakauna sa akin. Sobra akong nagtiwala sa kanya. Walong buwan pa lamang kami nung nagdesisyon kaming magsama na dahil madalas akong ginugulpi ni Papa dahil sa pakikipagkita ko sa kanya. Umupa kami ng maliit na kwarto at nagtrabaho ako bilang tindera sa tindahan ng dati kong kaklase, huminto din kasi ako sa pag-aaral simula nung magsama kami ni Chris habang siya nasa bahay lang at madalas nakatambay kasama ng mga tropa nyang adik sa Marijuana. Mabuti na nga lang talaga natauhan na ako. Sa loob kasi ng mahigit kumulang isang taon naming pagsasama, madalas nya akong napagbubuhatan ng kamay kapag wala akong maiabot na pera sa kanya lalo na’t pinangbibisyo lang nya kahit alam naman nyang maliit lang ang sweldo ko at kulang pa yon sa mga bayarin namin. March 21, 2010 noon nung naglakas loob akong bumalik kanila Mama at Papa nung maghiwalay kami ni Chris at tinanggap naman ako ng maluwag sa loob ni Mama, pero si Papa medyo masama pa din ang loob sa akin.
Lumipas ang mga araw at dumating ang araw ng Fiesta sa lugar namin. Kasama ko noon si Tracy, bestfriend ko. Naglalakad kami papuntang palengke habang nagyoyosi dahil may iniutos sa kanya si Aling Mina na kanyang ina. Napakaraming tao ang nasa mga kalsada at nagsasaya. May mga palarong pambata at pangmatanda, nagkalat ang mga lasing at videoke sa daan. Masaya kaming nagkikwentuhan ni Tracy tungkol sa crush nya ng bigla na lamang akong tinamaan ng kung ano sa hita ko, nagulat ako nung tignan ko dahil may umaagos ng dugo. “P*ta Bessie! Ang lakas ng agos ng dugo mo!” Sigaw ni Tracy pagkakita sa akin. “Hoy kayo! Anong ginagawa nyo dyan!? Gusto nyo ng gulo!?” Sigaw ng isang lalaking payat, puro tattoo, lasing, at may hawak na bote ng redhorse, malamang sa kanya galing yung bubog na tumama sa akin. Pinilit kong tumayo habang papalapit na sa amin yung lasing dahil mukhang may balak pa siyang ihampas sa amin yung boteng hawak nya. “Mang Ramon, tama na ho yan! Di ka na ba naawa sa katawan mo?” Aba teka, sino naman tong lalaking epal na to? Gwapo siya ha, matangkad, di kaputian pero makisig ang katawan. Hala Amber!? Ano ka ba naman? Di ngayon ang tamang oras sa paglandi hahaha! Di ba sya natatakot pagdiskitahan ng lasing na to? Sinugod sya nung mamang lasing at hahampasin sana sya ng bote pero nakailag sya. Ang galing nya. Itinulak lang nya yung lasing at tinapakan sa likod pagbagsak nito. Maya–maya ay umalingawngaw na ang sirena ng mobil ng pulis. Tumakbo yung gwapong lalaki pati na din yung mamang lasing pagtapos nyang matumbatumba sa pagpipilitang tumayo kaya ayun, walang nadampot ang mga pulis.
Di ko na ramdam yung kirot ng sugat na nakuha ko dun sa mamang yun kakaisip dun sa lalaking nagligtas sa amin ni Tracy. Ano kayang pangalan nya? Magkikita pa kaya kami para makapagpasalamat man lamang ako? “Amber!” Para akong natauhan sa sigaw ni Tracy na kanina pa pala daldal ng daldal sa tabi ko habang naglalakad na kami pauwi. “Ano ka ba naman Bessie? Kanina pa ako kuda ng kuda dito, hindi ka naman pala nakikinig.” “Sorry hehe. Ano nga ulit yung sabi mo?” Natatawang sagot ko sa kanya. “Sabi ko, hindi ka na ba mag-eenroll ulit sa school? Lilipat na kasi ako ng school eh, baka gusto mo sumabay mag-enroll sakin?” Oo nga pala, malapit na pasukan at 2nd year high school pa din ako. “Pag-iisipan ko Bessie, di ko pa din kasi nakakausap sila Mama tungkol dyan.” “Ah, sige.” Sa totoo lang, gusto ko din talagang bumalik sa pag-aaral, kaya kakausapin ko pag-uwi sila Mama at Papa. Nakarating na kami sa harap ng bahay nila Bessie at nagpaalam na ako sa kanya. “Basta Bessie itext mo nalang ako kung ano balak mo ha? Ingat ka sa pag-uwi. LoveYou!” Sabay beso sa akin ni Tracy.
Sorry kung medyo corny, 1st time ko gumawa ng own story ko dito sa Wattpad eh. I don’t know kung matatapos ko to pero I’ll try my best, inborn na kasi sakin ang pagiging tamad eh hahaha xD So, eto muna sa ngayon ha? Sa totoo lang talaga kasi, wala lang akong magawa habang nagpupuyat ngayon kaya nag-imbento nalang ako ng istorya. Wala eh, may insomnia ang lola nyo haha :D Comment kung may suggestions kayo, fan and vote kung naaawa kayo sakin lol. So byeee guysh. Smooch :* ~ itsSaraHighna üüü